Young actor, hiniwalayan ang GF na young actress matapos makakita ng condom sa condo nito

GORGY RULA: Nakakaloka ang kuwento ng isang kaibigan na tinitiyak sa amin na totoo itong nasagap niya tungkol sa magkasintahang young actor at young actress.

Wala pang nag-confirm kasi kung talagang break na ang dalawang ito.

Pero ang kuwentong nakarating sa amin, isang balat ng condom ang dahilan kaya tuluyan silang naghiwalay.

Heto ang kuwento ng kaibigang source namin:

Minsan, nag-surprise visit si young actor sa condo unit ng girlfriend niyang young actress.

Nataranta si girlfriend nang binuksan niya ang pinto.

Si young actor ang bumungad sa kanya.

Kaagad na pumasok si girlfriend sa kuwarto para magligpit.

Tumulong nang konti si young actor na boyfriend.

So ligpit keti ligpit sila ng mga nakakalat na gamit.

Nagulat si young actor sa nakita niyang balat ng condom sa loob ng trash can.

Wala siyang nakitang gamit na condom, kundi ang balat o pakete lang nito.

Kaagad na kinumpronta ni young actor ang girlfriend.

Tumatanggi pa noong una si young actress with matching maang-maangan acting.

Pero inimbestigahan nang husto ni young actor ang girlfriend at napaamin din niya bandang huli na pumunta roon ang isang kaibigang actor na dating na-link sa kanya.

No more follow-up questions. Umalis na si young actor, at tuluyan na siyang nakipagkalas.

Babu!

NOEL FERRER: And so that happened and everyone has moved on.

Totoo bang si aktor ay nagkakamabutihan na sa paboritong young star ng network ngayon?

At si aktres naman ay tuluyan nang na-develop sa isang magaling na aktor—mas magaling kaysa sa dating boyfriend?

Oh well, sino'ng nagwagi? Sino'ng nasawi?

JERRY OLEA: Lulutang at lulutang ang katotohanan.

Sisingaw at sisingaw ang bantot na pilit pinagtatakpan.

May kiyeme latik noon ang kampo ni young actress na kesyo nilalandi at inaahas ng kanyang karibal ang kanyang pinakamamahal.

Magaling! Magaling!

Hindi ko na uulit-ulitin kung sino ang gumamit ng condom.

Ano kaya kung magkita-kita ang mga bida sa istoryang ito sa burol ng Kawa Kawa sa Ligao City?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN