Coco Martin, itinanggi ang balitang buntis diumano si Julia Montes

GORGY RULA: Natabunan ni Catriona Gray ang isyu tungkol sa not-so-young actress na pinag-uusapang nagdadalantao raw.

Obvious na si Julia Montes ang tinutukoy ng karamihan pero walang kumpirmasyon kung totoo ito o hindi.

Wala pa kasi sa bansa si Julia, kaya hindi niya masagot ang naturang intriga.

Isang tao mula sa industriya ang curious sa isyung ito, kaya noong nakita niya si Coco Martin, tinanong niya kung buntis nga ba si Julia.

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw totoo, sabi ni Coco.

Wala namang kumpirmasyon kung ano talaga ang namamagitan kina Coco at Julia, pero dahil sa itong Kapamilya actress ang natsitsismis, naikonek si Coco sa intrigang ito.

Kaagad naman daw itinanggi ito ni Coco.

May iba pa kayang not-so-young actress ang tinutukoy na nasa interesting stage?

NOEL FERRER: So, kung totoo man o hindi ang pagbubuntis na ito ay ano naman ngayon? The people involved are legally of age na.

Oh well, dahil ba rito ay aaminin muna nila ang kanilang relasyon? Meron ba talaga?

Let it come from both of them if ever. ‘Yun na lang ang paniwalaan natin.

JERRY OLEA: Nawa’y lumabas ang buong katotohanan sa isyung buntisan.

Nadadawit tuloy ang ibang artista na walang kinalaman.

Basta,‘yung isang not-so-young actress na matagal nang may kasintahan, naninindigang hanggang ngayon... ang virginity niya ay dalisay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN