GORGY RULA: Natalo ng GMA Christmas special na Puso ng Pasko ang ABS-CBN Christmas special na Family is Love: The ABS-CBN Christmas Concert noong Linggo, December 16, base sa AGB NUTAM.
7.9% ang Christmas special ng GMA, at 7.6% naman second part ng Christmas special ng ABS-CBN.

Ano ang tingin ninyo, mga Ka-Troika?
Ang daming big stars ng Kapamilya network, kaya nga two parts pa sila. Samantalang ang sa GMA-7 ay isang part lang dahil iilan ang big stars nila.
Ang sabi ng mga nasa likod sa Christmas special na ito ng GMA-7, nagawa nilang maiparating sa mga manonood ang mensahe nito na pagmamahal sa kapwa, pagtanggap, at pagpapatawad.
Naging makahulugan daw sa mga manonood ang mga inspiring na kuwento at performances na ipinalabas sa naturang special.
Pero sa second part ng ABS-CBN Christmas special, ipinarating din ang pagmamahal sa pamilya at doon nag-perform ang mga sikat na love teams.
Si Regine Velasquez, kasama ang mga magagaling nilang performers, ang nasa finale.

JERRY OLEA: Ayon naman sa Kantar Media, wagi ang two-part Christmas special ng Kapamilya Network.
Noong Disyembre 15, Sabado, naka-12.6% ang Family is Love: The ABS-CBN Christmas Concert, kontra sa 9.3% ng Kapuso Movie Special.
At noong Disyembre 16, Linggo, naka-17.2% ang Family is Love, kontra sa 10.2% ng Puso ng Pasko: The GMA Christmas Special.
Ayon din sa Kantar Media, No. 1 program noong Linggo ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-24.4%. Ang katapat nitong Sports Center Philippines ay naka-1.9%.
NOEL FERRER: Na-preempt ang Rated K ng ABS-CBN Christmas Special noong Linggo, kaya safe si Korina Sanchez.
Magandang abangan kung paano mababago ang taped programs dahil sa supposed na pagdating ni Miss Universe 2018 Catriona Gray bago mag-weekend.
I’m sure, mag-uunahan sa pag-mount ng segments at features ang mga programa na puwede nilang ipa-sponsor sa iba’t ibang produkto.
Ibig sabihin, walang pahinga ang mga ito kahit Pasko!