NOEL FERRER: Tuloy na tuloy na ang Metro Manila Film Festival 2018 Parade of Stars na gaganapin sa Linggo, December 23.

Parañaque ang host city ngayong taon kaya inayos nila ang dadaanang parade route.
Magsisimula ang parada sa Shopwise sa Soreeno St, turn right sa Dr. A. Santos Avenue (Sucat), straight towards Ninoy Aquino Ave., turn left sa Kabihasnan, then turn right sa Quirino Avenue, left sa MIA/NAIA Road, right to Macapagal Blvd., then turn left sa Bradco Ave.
Tinatayang magki-kick off ang parada ng 1 p.m. na pangunguhan nina Phoemela Baranda, Kim Molina, at Shalala, at ike-carry ng ABS-CBN.
Narito ang mahahalagang traffic advisory kaugnay ng gagawing parada:
ROADS CLOSED TO TRAFFIC by noontime ng December 23:
1. Along Quirino Ave from Kabihasnan to MIA Road
2. Along Kabihasnan from Dr. A. Santos (Sucat) to Quirino Ave
3. Along Dr. A Santos Ave (Sucat), Westbound lane
4. Along MIA Road, Westbound lane
5. Along Macapagal Road, Northbound lane
ROADS WITH COUNTERFLOW:
1. Along Dr. A Santos Ave. (Eastbound) from Sorena Ave (Shopwise) to Kabihasnan
2. Along MIA Road (Eastbound) from Quirino Ave to Macapagal Blvd
3. Along Macapagal Blvd (Southbound) from Mia Road to Bradco
4. Along Airport Road are two way traffic from Roxas Blvd to Domestic Road from 1pm
Sa dami ng security detail at sa masusing koordinasyon ng City of Parañaque at MMDA, handa na ang gaganaping Parade of Stars.
JERRY OLEA: Dinaan sa palabunutan ang pagkakasunud-sunod ng floats.
Mangunguna ang Fantastica, na susundan ng OTLUM, Aurora, Rainbow’s Sunset, Mary, Marry Me, The Girl In The Orange Dress, Jack Em Popoy, at One Great Love.
Kung hindi man makadalo sa parada ang matatandang bida ng Rainbow’s Sunset na sina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa ay maintindihan sana iyon ng MMFF 2018 execom.
Si Tita Gloria nga ay hindi naka-attend sa presscon dahil masama ang pakiramdam.
Kahit mall tour ay hindi kaya ng powers ng mga artistang octogenarian.
GORGY RULA: Noong nakaraang taon, dinagsa ng mga taga-Laguna ang parada sa Muntinlupa kaya abangan itong sa Parañaque na tiyak na dudumugin din.
Abangan ang gimmick ng mga taga-Fantastica at Jack Em Popoy na may pinaghahandaan para sa fans nila.
Mabuti na lang at mauuna ang Fantastica nina Vice Ganda, at pampito ang Jack Em Popoy.
Kaya hindi matataranta ang fans sa pag-abang sa stars ng dalawang malaking pelikulang ito. Pero marami pang big stars na dapat ding abangan.
Gusto ko ring abangan ang OTLUM na pagagandahin daw nila ang float.
Karamihan kasi sa cast nito ay first-timer sa MMFF at excited sila sa magiging experience nila rito.