Diego Loyzaga, totoong kapatid ang turing sa co-stars niya sa Los Bastardos

by PEP Troika
Dec 18, 2018

JERRY OLEA: Nalungkot ako sa pagkamatay ni Joaquin (karakter ni Diego Loyzaga) sa teledramang Los Bastardos ng ABS-CBN.

Sa presscon ng programa noong Oktubre 10 sa Dolphy Theater, inusisa ko si Diego kung mas gusto niya na level-up ang kanyang pagiging aktor at hindi na niya kailangan ang ka-love team.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

“Kaya nga gusto ko ‘to, e,” diretsong sambit ni Diego. “Ngayon, ikukumpara mo ako, dito sa mga lalaking ‘to.

“You will not look at me as a team... na 50%-50%. I don’t mind now, you can compare me to any of these guys.

“Go! Compare me, because I will give it my all. Ibibigay ko lahat!”

Ang tinutukoy ni Diego ay ang mga “kapatid” niya sa istorya na sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Albie Casiño, at Joshua Colet.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

“I love them!” maigting na bulalas ni Diego.

“They’re my brothers. Bastardos kami in the story, yes, pero mga kapatid ko ‘to.

“Sa totoong buhay, kapatid ko ang mga ‘to at nagtutulungan kaming lahat para sa proyektong ‘to.”

Ngayon lang ba siya nakahanap ng mga ganoong katrabaho sa isang project na para silang tunay na magkakapatid?

“Opo,” mabilis na tugon ni Diego.

“The way you asked it, kung ngayon ko lang nahanap yung dynamics na ganito, na lahat kami ay nagkakasundo sa isang bagay na pagandahin itong trabaho namin... oo.

“Oo, ngayon lang. Kaysa masasabi kong... no, ayoko nang pag-usapan yung nakaraan.

"Huwag na nating pag-usapan yung nakaraan," napailing na saad ni Diego.

NOEL FERRER: So, ano nga ang nangyari kay Diego?

Hindi ba siya ang magiging mukha ng pagharap sa mga problema nang may lakas ng loob at pag-amin ng kahinaan at nangangailangan ng pang-unawa?

Continue reading below ↓

Kumusta na talaga siya?

GORGY RULA: Nasilip ko ang all-star cast na eksena ng burol ni Joaquin kanina, at talagang naka-focus ang kuwento sa karakter ni Jake Cuenca.

Nakausap ko kaninang tanghali si Marco Gumabao, na abala sa pagpu-promote ng MMFF entry na Aurora.

Maingat ang sagot niya tungkol sa pagpatay sa karakter ni Diego sa Los Bastardos.

Ipinarating ni Marco na kahit hindi na nila kasama si Diego sa taping, nandiyan lang silang mga kaibigan na willing sumuporta sa susunod na gagawin niya.

May plano naman siguro ang ABS-CBN para kay Diego.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results