Iza Calzado at Ben Wintle, may bonggang Coron island activities para sa wedding guests

NOEL FERRER: This is it!

Ngayong December 19, Miyerkules, ikakasal ang aking anak-anakang si Iza Calzado at ang boss ng Booky app na si Ben Wintle sa Coron, Palawan.

Memorable ang Barrio Fiesta-themed welcome dinner kagabi, December 19.

IMAGE @patdy11 / @m_sunshinedizon Instagram

(Seen in photo are the pre-nup shoot of Iza and Ben along with the reunion of the famed Sanggre's of GMA-7 Sunshine Dizon, Iza, Diana Zubiri, and Karylle during the welcome dinner party.)

May testimonials mula sa mga kaibigan ni Ben, Karylle, at Dash Calzado.

Complete with local bands and dancers, na-challenge sumayaw sina Ben at Iza ng tinikling.

Naging tribute na rin nila ito kay Tito Lito Calzado (tatay ni Iza) na dating miyembro ng Bayanihan Dancers.

IMAGE Noel Ferrer

Sa dami ng island activities, hindi magkandaugaga ang guests kung ano ang uunahing gawin just to maximize the day bago ang wedding celebration mamaya.

May options kasing mag-Coron Island Tour, Calauit Safari Tour, island hopping, bottom fishing, kayaking, hiking, at marami pang iba.

IMAGE Noel Ferrer

JERRY OLEA: Nagpasabi ang napili ng couple na guide parents na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na lilipad ang buong mag-anak nila pa-Amerika.

Naintindihan ito nina Iza at Ben.

Actually, inayos na rin nina Juday at Ryan ang special blessing na gagawin ni Fr. Tito Caluag kina Iza at Ben pagbalik nila sa Maynila.

Ang iba pang guide parents sa kasal ay sina Lucy Torres, Lingling King, Stephanie Morio, at ang ka-Troikang Noel Ferrer.

IMAGE Noel Ferrer

GORGY RULA: Ayon sa reading ng lawyer/psychic at spirit questor na si Nick Nangit, si Iza ang pumuno sa mga kulang na hinahanap ni Ben.

Ang kumbinasyon na numerong 4 at 2 nina Iza at Ben ay tugma raw sa araw na ito.

Kaya maganda raw ang napili nilang date ng kasal.

Sa relasyon ng dalawa, si Iza raw ang nag-a-adjust at tila willing daw itong mag-lie low alang-alang kay Ben.

“Mamahalin ni Ben si Iza nang wasto basta huwag sila masyadong magkalayo.

"Dapat magkasama sila palagi para hindi mabigyan ng puwang ang selos at paghahanap ng kalinga,” bahagi ng prediksiyon ni Atty. Nangit sa bagong kasal.

Dagdag ng lawyer/psychic, “Next year, 2019 ay magiging challenging para kay Ben. Sana, makayanan ni Iza.”

Hangad natin lahat na maging masaya ang pagsasama ng dalawa, kahit normal namang may mga pinagdadaaanan ang bawat relasyon.

IMAGE Noel Ferrer

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN