Otlum, bukod-tanging MMFF 2018 entry na walang grado mula sa Cinema Evaluation Board

GORGY RULA: Sa walong pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang pelikulang Otlum ang hindi pa dumaan sa review ng Cinema Evaluation Board.

Ang unang napabalita, wala raw silang balak na idaan ito sa CEB.

(Ang mga bida ng eight MMFF 2018 entries ay sina Ricci Rivero ng Otlum; Coco Martin ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles; Eddie Garcia ng Rainbow's Sunset; Jessy Mendiola ng The Girl In The Orange Dress; Anne Curtis ng Aurora; Toni Gonzaga ng Mary, Marry Me; Kim Chiu ng One Great Love; at Vice Ganda ng Fantastica.)

Pero nang tinanong ko si Direk Joven Tan, nagpapa-schedule na raw sila. Kaya abangan na lang natin kung anong grado ang ibibigay ng CEB.

Sa pitong pelikulang nagpa-review sa CEB, ang pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles at ang Rainbow’s Sunset ang nabigyan ng Grade A.

Ang ibang entries na Aurora; Mary, Marry Me; Fantastica; The Girl in The Orange Dress; at One Great Love ay naka-Grade B.

Napanood ko ang Rainbow’s Sunset sa premiere night sa Trinoma Mall, Quezon City, nitong December 18, Martes.

Dito sinabi ni Direk Joel Lamangan na lalo siyang na-pressure nang binigyan ng Grade A ng CEB ang kanyang pelikula.

“Nakaka-pressure nga, e. I hope they will like it,” nakangiting pahayag ni Direk Joel.

Magagaling ang mga artista sa Rainbow’s Sunset, at ang pinakagusto ko sa kanilang lahat ay si Gloria Romero.

Mamayang gabi pala ang premiere night ng Aurora na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Megamall.

NOEL FERRER: The strength of Aurora is the visual storytelling, kaya I’m sure matutuwa ang mga manonood ng premiere nito mamaya.

Deserving ang dalawang naka-A na grade dahil maayos na nailahad ng mga direktor nila ang naratibo at gagap din nila ang film language.

Kudos kina Direk Joel Lamangan ng Rainbow's Sunset at Direk Mike Tuviera ng Jack Em Popoy.

Sana ay makakuha rin ng grade sa CEB ang Otlum para everybody happy!!!

JERRY: Nagulat ako na iyong dalawa lang ang nakakuha ng gradong A mula sa CEB.

Siguro ay hindi na magngangawa ang ilang filmmakers na may pinapaborang film company ang naturang ahensiya na nasa ilalim ng FDCP o Film Development Council of The Philippines.

Hindi ayon sa “pattern” ang gradong natamo ng isang official entry.

Kahit B lang ang grado ng Fantastica ay ramdam kong ito ang mangunguna sa takilya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN