Nouveau rich na singer-beauty queen, hindi kinaya ang halaga ng presidential suite sa hotel

JERRY OLEA: Nagniningning ang korona ng singer-beauty queen nang dumulog sa reception ng isang hotel.

“Magkano ang presidential suite? Magkano?” umalingangaw ang matamis na tinig ng singer-beauty queen na seksing-seksi sa suot na short.

Tugon ng receptionist, P36,000.

Hindi natigatig ang singer-beauty queen at nagtanong, “Magkano iyong susunod?”

Sagot ng receptionist, P7,000.

“Doon! Doon tayo!” mabilis na sambit ng singer-beauty queen, “Yaya! Bayaran mo na! Nasa Louis Vuitton bag ang pitaka!”

NOEL FERRER: Kahit hindi pangalanan itong singer-beauty queen, mananatiling may value ang mga sangkot dito kapag gagawing palaisipan.

In fairness dito sa singer-beauty queen, kinabog niya ang karibal na female singer sa pagka-nouveau rich.

Nali-link ang karibal na singer sa isang indie actor na nag-frontal nang buong ningning sa pelikula ng isang multi-awarded director.

Ang singer-beauty queen at ang karibal na singer ay parehong may pitak sa puso ni Jeff Fernando.

GORGY RULA: Ayoko na sanang pag-aksayahan ng panahon ang blind item na ito na starlet ang sangkot.

Normal lang siguro na maghanap si singer-beauty queen ng mas murang kuwarto, di ba?

Masama ba yung nagtipid lang siya?

Kesa ibayad niya sa mamahaling kuwarto ng hotel, e, ipamudmod na lang ang budget sa mga alaga niyang reporters, na ang sipag magsulat ng balita tungkol sa kanya kahit hindi kasulat-sulat!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN