Sexy na veteran singer, nalaos dahil sa hindi-inaasahang karamdamang ito

by PEP Troika
Dec 20, 2018

JERRY OLEA: Ratsada ang mga mang-aawit kung Kapaskuhan at Valentine season.

Meron ding semi-retired o La Ocean Deep singers na sumusulput-sulpot sa charity events.

Pero ang isang veteran singer na magaling mag-perform, matagal na nating hindi nasisilayan.

May attitude ba siya at masyadong nagpaka-diva?

"She’s not difficult to work with!" tili ng showbiz insider na lubos ang paghanga sa veteran singer.

Continue reading below ↓

"Isa siyang... reyna! She's on a league of her own! Maraming nanggaya kay Asia’s Songbird, pero bukod-tanging siya ang Pinay singer na putok-suso, liit-baywang, malandi, tumutuwad!

"Wala siyang kapantay! Isang tunay na diva!"

E, bakit wala nang nagbu-book sa kanya?

Bakas sa mga mata ng showbiz insider ang lungkot, "Baka kasi makalimutan niya..."

Oh... makakalimutin na siya? Sino ang nag-aalaga sa kanya?

"Salamat sa Diyos, mahal na mahal siya ng kanyang asawa, mga anak, at mga apo,” malumanay na sambit ng showbiz insider.

NOEL FERRER: Mahal ko ang singer na ito. Mahusay siya at isang tunay na diva.

Buti na lang at sa kabila ng pinagdadaanan niya ay kumportable ang buhay niya sa piling ng kanyang pamilya.

Nami-miss ko siya talaga. Di ba, Chuck Gomez?

GORGY RULA: Nakaka-miss ang female singer na ito.

Iba ang style niya na kanya lang.

Sana, hindi na siya i-blind item sa susunod na balita tungkol sa kanya—para malaman sa industriya ang tungkol sa kalagayan niya ngayon, at ang karamdaman na dinadala niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results