Kantar Media ratings: Halik, tinalo ang bagong Koreanobelang My Golden Girl

by PEP Troika
Dec 21, 2018
PHOTO/S: GMA / @yamconcepcion Instagram

JERRY OLEA: Patatagalin kaya ng GMA-7 ang koreanobelang My Golden Life (MGL), na pumalit sa teleseryeng Pamilya Roces?

Base sa Kantar Media, tuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN teleserye na Halik nina Jericho Rosales at Yam Concepcion, kontra sa bagong karibal na show na pinagbibidahan nina Park Si-hoo at Shin Hye-sun.

Continue reading below ↓
 IMAGE GMA / @yamconcepcion Instagram

(Seen in photo from left to right are My Golden Life's Park Si-hoo, Shin Hye-sun, See Eun-soo, and Lee Tae-hwan as well as Halik's Yam Concepcion and Jericho Rosales.)

Noong Disyembre 17, Lunes, naka-24.9% ang Halik, kontra sa 7.7% ng pilot episode ng MGL.

Noong Martes, 24.3% ang Halik, kontra sa 8.0% ng MGL.

At noong Miyerkules, 23.6% ang Halik, kontra sa 8.3% ng MGL.

Kahit paunti-unti ay tumataas ang MGL, samantalang bumababa ang Halik.

Magtutuluy-tuloy kaya ito?

NOEL FERRER: Tinanggal ang Pamilya Roces para palitan ng mas murang iere na My Golden Life.

Akala ko nga, paaabutin ng Pasko ang Pamilya Roces para may sweldo at pa-Christmas ang mga staff at artista ng local production—pero hindi.

Kapuso network had to cut their losses dahil talo talaga ito ng Halik.

Paano naman itong My Golden Life, e, triple ang layo sa Halik.

Mas mura ba ang rights nito kaysa sa production cost ng local soap? Kawawa ang mga nawalan ng trabaho ngayong Pasko!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Iba naman maglatag ng drama ang Koreanobela, e.

Habang tumatagal, gumaganda ang kuwento.

Malay natin. Baka kaya niyang pataubin ang Halik.

Pero tama namang mas manaig ang mga gawang atin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GMA / @yamconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results