Vice Ganda at Regine Velasquez, magsasanib-ganda sa Valentine's Day concert

by PEP Troika
Dec 22, 2018

JERRY OLEA: Tatlong magkakasunod na gabi ang ReGanda concert sa Valentine 2019!

Sa Pebrero 14, 15, 16, 2019, magsasanib-ganda sina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

Kagila-gilalas ang pasiklab ng dalawang unkabogable icon!

Mabibili ang tiket ng ReGanda concert simula Enero 10, 2019.

Ang halaga ng tiket ay P8,960 (Premium), P6,720 (VIP 1), P4,480 (VIP 2), P3,360 (Patron A), P2,240 (Lower Box), P1,120 (Upper Box) at P560 (General Admission).

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Makakasabay nina Vice at Regine ang redundant na title na Timeless Classics nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Solaire Ballroom.

Meron ding I Wish You Love si Zsa Zsa Padilla sa BGC Shangrila The Fort.

The Company at si Jamie Rivera ang magkasama sa Valentine concert sa Music Museum.

Hintayin pa natin ang mga puwedeng pagpiliang show sa Araw Ng Mga Puso.

Tiyak, patok ang mga ito!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results