NOEL FERRER: Heto ang METRO MANILA WEATHER FORECAST (23 December 2018, Valid: 5 a.m. to 5 p.m. today)
Cloudy skies with light rains will be experienced over Metro Manila. Light to moderate winds coming from northeast to north will prevail and the coastal waters will be slight to moderate.
Temperature range over Metro Manila: 24-31 degree Celsius. NCR-PAGASA
Ang tanging dasal ng mga mga kasali sa Parada ng Metro Manila Film Festival 2018: "DON’T RAIN ON OUR PARADE."
Heto ang pasilip ng floats na nagfi-finishing touches pa sa mismong venue sa Parañaque.
Magsisimula ang parada bandang 1 p.m. mula sa Shopwise Sucat papuntang Bradco Avenue.






Sino kaya ang mananalo bilang Best Float? Abangan!
JERRY OLEA: Bago mag-8:00 a.m. ay malakas ang ulan sa kinaroroonan ko sa Pakil, Laguna.
Tinext ko ang sister kong nasa Lucban, Quezon, at kinumusta ang weather doon. Umuulan-ulan din daw, pero humuhulaw.
Bago mag-9 a.m. ay tumigil na ang ulan sa Pakil.
Pagsapit nang 10:30 a.m. ay umambon muli sa Pakil.
Hopefully ay wala nang ulan ngayong Linggo ng hapon habang ongoing ang MMFF 2018 Parade of Stars.
Meron na bang nag-alay ng itlog? O hindi naniniwala ang kinauukulan sa pamahiing iyon?
GORGY RULA: Nasilip ko kagabi sa may bandang Sgt. Esguerra Ave., Quezon City, ang float ng Fantastica. Hindi pa natatapos pero nababasa na ng ulan.
Mukhang may mga mababago sa floats ng participating films dahil sa tuluy-tuloy na ulan.
Ganito rin ang nangyari last year na sinimulan ng ulan, pero tumigil din nang magsimula ang parada.
Inaasahang dadagsain pa rin ito kahit maulan.
Magdala na lang ng kapote o kaya payong.
Iyun nga lang, hindi niyo na pala magagamit ang payong na pansahod sa mga ipinamimigay ng mga artista dahil bawal na raw ngayon ang magbato ng giveaways?
Kaway-kaway na lang ang mga paborito nating artista.