Floats sa MMFF 2018 Parade, na-stuck sa lumambot na lupa dahil sa ulan

by PEP Troika
Dec 23, 2018
PHOTO/S: @mjmarfori Instagram Story

GORGY RULA: As of December 23, Sunday, 3:00 p.m., hindi pa rin nagsimula ang parada ng MMFF 2018 sa lungsod ng Parañaque.

Bukod sa tuluy-tuloy na pag-ulan, lumambot ang lupa na kinalalagyan ng mga karosa kaya may ilang nabalahaw, at hanggang ngayon ay ginagawan pa ng paraan na maiahon.

Ang walong official MMFF 2018 entries ay Fantastica; Jack Em Popoy: The Puliscredibles; Mary, Marry Me; The Girl In The Orange Dress; Aurora; Otlum; Rainbow's Sunset; at One Great Love.

Nakunan sa litrato ang Mary, Marry Me producer na si Paul Soriano at Rainbow's Sunset director Joel Lamangan habang naghihintay sa parada, as seen below:

 IMAGE @mjmarfori Instagram Story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim, ang karosa ng Otlum at Aurora na lang daw ang naiwan kaya tinatrabaho na raw na matanggal ang mga ito sa pagkabalahaw.

"Ang ginagawa natin ngayon, may mga equipment naman na towing trucks. Imu-move lang yung mga float sa kalsada.

"Yung walong float, dalawa na lang ang hindi pa namu-move. Ang iba, nasa kalsada na," pahayag ni Chairman Lim.

Hindi raw puwedeng hindi ituloy ang parada dahil wala nang ibang araw na puwedeng ilipat ito, lalo pa't nasa weather forecast din na tuluy-tuloy pa rin ang ulan hanggang bukas, December 24.

Kaya sabi nila, rain or shine, tuloy na tuloy ang parade.

"Alam ko, marami nang fans na nag-aabang, naghihintay.

"Itutuloy po natin ito, and then advise lang na magdala kayo ng kapote o payong," paalala pang sabi ni Chairman Lim.

 IMAGE @mjmarfori Instagram Story
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Tuloy na tuloy ang MMFF Parade of Stars despite the rains, traffic, and ang pagka-stuck ng floats sa kalsada.

Nakakatuwa lang na ang senior stars na subok na sa kahit na anong problema at unos—tulad nina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Vic Sotto, Coco Martin, at iba pa—ay maagang nasa venue.

It just took a little more time—but like everything else, this too shall pass.

After dito sa Parañaque, next year, ang Taguig naman daw ang susunod na sponsoring city.

 IMAGE @mjmarfori Instagram Story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA: Meron sanang ilaw yung floats para maliwanag kahit abutin ng gabi ang parada!

Kung puwede, tanggalin na ang kategoryang Best Float sa awards night. Hati-hatiin na lang ang budget na cash prize para sa lahat ng entries.

Hindi iyong ganda ng mga float ang inaabangan ng fans, kundi kung sinu-sinong artista ang kasama sa parada.

Kaya priority dapat iyong mga float na puwedeng pumarada, kahit umuulan nang malakas o maaraw nang bonggang-bongga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mjmarfori Instagram Story
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results