Update sa pregnancy ni Rochelle Pangilinan at blind item hinggil sa singer na nabuntis ng driver

GORGY RULA: Inaasahang sa March 1 ay iluluwal na ni Rochelle Pangilinan ang first baby nila ni Arthur Solinap.

Malaki na ang tiyan ng dating Sex Bomb dancer nang nakatsikahan namin sa Christmas Party ng PPL Entertainment noong Sabado, December 22.

IMAGE Nice Print Photo / @rochellepangilinan Instagram

Tinanong ng PEP Troika kung ano ang paghahanda nila sa pagdating ng kanilang baby girl.

"Inaayos na namin ang kuwarto niya, ang baby’s room. Pero hininto namin, kasi, tinanong ko si Art kung dun ba talaga sa room niya matutulog, 'Hindi sa room natin?' Kaya hininto namin. Saka na namin aayusin,” sagot ni Rochelle.

Mabuti at hindi siya gaanong nahihirapan sa pagbubuntis kahit noong nagsimula siyang maglihi.

Kaya tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ni Rochelle sa GMA primetime series na Onanay.

"Blessing nga, kasi, first time na hindi mahirap ang role ko. Yung hindi kontrabida, light lang. Minsan lang ang takbuhan," sabi pa ni Rochelle.

Sana, normal delivery raw siya dahil mahirap siyang makabalik sa trabaho kung ma-caesarian siya sa first baby nila ng asawa.

Ani Rochelle, "Gusto talaga namin, normal. Kaya tina-try ko talaga, kahit nakakatamad na parang feeling na pagod 'pag buntis, tina-try ko na maging healthy para makapag-normal delivery ako."

Sa ngayon ay wala pa silang napagkasunduang ipapangalan sa kanilang baby girl dahil marami silang pinagpipilian.

"May mga pinagpipilian na kami. Tinitingnan ko pa kung ano yung name na kung bagay ba sa apelyido," pakli ni Rochelle, na malaking-malaki na ang tiyan.

NOEL FERRER: Mukhang malapit na ring matapos ang Onanay. Kasi, si Cherie Gil ay may major play na sa Atlantis productions na Angels In America na kailangan ng masusing paghahanda.

Magpaganunpama'y mas magkakaroon ng oras si Rochelle na mag-focus sa kanyang pagbubuntis, and eventually, sa pagiging nanay.

Pero ano itong balita, Tito Jerry, na isang singer na napagkamalang tivoli ay buntis daw? Gaano katotoo?

If ever, a child is always a blessing. Sisiyasatin pa natin yan nang todo!

JERRY OLEA: Biyaya sa mag-asawa ang anak, kaya dalangin natin na lalo pang pagpalain ang pamilya nina Rochelle at Arthur.

Iyong singer na titibu-tibo, pangarap din siguro niyang magkaanak kaya ang tsika, e, nagpajontilds ito sa kanyang guwapong driver.

Kung ano’t ano man.... nawa’y huwag ma-bully o maging bully ang kanilang mga anak!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN