Rainbow's Sunset, nabawasan ang sinehan pagkatapos ng MMFF opening day

by PEP Troika
Dec 26, 2018

JERRY OLEA: Para sa akin, ang tatlong maglalaban-laban bilang best picture ng (Metro Manila Film Festival) MMFF 2018 ay Rainbow’s Sunset; Jack Em Popoy: The Puliscredibles; at Mary, Marry Me.

Kuwento ng pamilya at pagpapatawad ang tatlong pelikulang iyan.

Parehong nakakuha ng gradong A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Rainbow’s Sunset at Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na parehong kasama sa cast si Tirso Cruz III.

Continue reading below ↓

(Seen in the photo are Rainbow Sunset's stars Eddie Garcia, Gloria Romero, and Tony Mabesa.)

Pinatawa at pinakilig ako ng mga bet ko para mag-Top 3 sa kategoryang best picture.

Pinaka-bet kong mag-Best Picture sa MMFF 2018 ang Rainbow’s Sunset, kaya nalungkot ako sa balita ni Ferdy Lapuz na nabawasan ng mga sinehan ang nasabing pelikula.

Post ni Ferdy sa Facebook, mula sa 50+ cinemas ng Rainbow’s Sunset noong opening day (Pasko, Disyembre 25, Martes), naging 31 na lang ang mga sinehan nito sa ikalawang araw ng showing (Disyembre 26, Miyerkules) ng pelikula.

Umapela si Ferdy sa theater owners na bigyan ng pagkakataon ang moviegoers na mapanood pa ang Rainbow’s Sunset, na tinatampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso, Aiko Melendez, Sunshine Dizon, Marcus Madrigal, Jim Pebanco, Shido Roxas, Max Collins, at Ross Pesigan.

Idinirek ito ni Joel Lamangan, mula sa panulat ni Eric Ramos.

Sana ay mas marami ang makapanood nito. Lalo na't sa walong entries ay isa ang Rainbow's Sunset sa dadalawa lamang na nabigyan ng pinakamataas na marka mula sa CEB.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wala akong duda na ibabalik ng theater owners ang Rainbow’s Sunset sa second week ng festival or sooner.

Ganito kasi yan—two weeks ang playdate ng mga pelikulang kalahok sa MMFF. Usually, may waves ng panonood ang mga tao at umaabot din ng saturation.

After the Christmas Holidays—na usually mga bata at pamilya ang nagde-determine ng papanoorin—the romantic date and barkada movies take over.

At kung papalarin pang manalo ng awards—tulad ng nangyari last year sa Siargao, Deadma Walking, at Larawan—malamang na umarangkada ito pagkatapos ng Gabi Ng Parangal.

Mataas ang expectations sa Rainbow’s Sunset sa awards night, na gaganapin mamayang gabi, December 27, Huwebes, sa The Theater At Solaire sa Parañaque City.

Abangan natin ang pasya ng inampalan.

GORGY RULA: Pati ang producer na si Harlene Bautista ay may status na rin sa kanyang Facebook account na panoorin ang Rainbow's Sunset.

Continue reading below ↓

Sana, hindi ito mahuli sa pagsungkit ng awards ngayong Thursday night.

Malamang na maibabalik ang ilang sinehan ng pelikula kapag humakot ito ng awards.

UPDATE: As of December 31, 2018, nasa 66 cinemas cinemas nationwide na po ang pelikula.

Ed's Note: Tinanggal ang huling bahagi ng orihinal na artikulo dahil walang "patutsada" si Lloyd Samartino sa kanyang Facebook account. Isa ring feed ang nakarating sa amin kung saan idinenay ng aktor na may sinabi siyang ganoon tungkol sa pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results