Eddie Garcia, Vic Sotto, Dennis Trillo, Jericho Rosales, may laban bilang MMFF best actor

by PEP Troika
Dec 27, 2018
PHOTO/S: Rainbow's Sunset / Jack Em Popoy / Noel Orsal / @jerichorosalesofficial Instagram

JERRY OLEA: Ang choice ko na best actor sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ay si Eddie Garcia ng Rainbow’s Sunset.

Nag-best actor si Manoy, tawag kay Eddie, sa indie film fests na Cinemalaya para sa pelikulang ML at QCinema para sa pelikulang Hintayan ng Langit nitong 2018.

Continue reading below ↓
 IMAGE Rainbow's Sunset / Jack Em Popoy / Noel Orsal / @jerichorosalesofficial Instagram

Inaasam ko na dumating ang panahon na tanghaling National Artist si Manoy.

Sa pakiwari ko, mahigpit na kalaban ni Manoy si Vic Sotto ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Kahit si Vice Ganda at hindi si Vic ang first recipient ng Dolphy award sa FAMAS, dito sa film fest, e, mas may puso ang pagganap ni Vic.

Puwedeng makasilat sa best actor race si Dennis Trillo ng One Great Love para sa great performance niya bilang heart surgeon na wagas ang hinaing ng puso.

Para sa best supporting actor, bet ko sina Tirso Cruz III at Tony Mabesa para sa Rainbow’s Sunset at si JC de Vera para sa One Great Love.

Sa tinagal-tagal ni Tony Mabesa sa industriya ng pelikula, e, wala pa siyang acting award.

Teka! Bet ba ninyong ma-nominate na best supporting actor si Richard Gutierrez o Dingdong Dantes para sa Fantastica?

NOEL FERRER: Kung jury ako (na hindi naman), dapat parehong nasa category na best actor sina Eddie Garcia at Tony Mabesa dahil magkasimbigat ang roles nila sa Rainbow’s Sunset.

Continue reading below ↓

Gusto ko rin silang mag-tie sa Best Actor award at huwag nang maglaban sa boto, dahil magkatuwang sila in coming up with very affective and effective performances.

Maaaring ma-nominate sina Dennis Trillo ng One Great Love, Jericho Rosales ng The Girl In The Orange Dress, at kahit na sina Vic Sotto at Coco Martin ng Jack Em Popoy sa category na ito.

For best supporting actor, Tirso Cruz III in Rainbow’s Sunset, Arnold Reyes and Alan Paule in Aurora, and even JC de Vera in One Great Love can make the cut.

Pero ang final choice ko na karapat-dapat parangalan ay si Tony Mabesa in Rainbow’s Sunset na safe na safe sa category na ito!

GORGY RULA: Puwede talagang kay Eddie Garcia igawad ang best actor trophy mamayang gabi sa The Theater at Solaire sa Parañaque City.

Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko ring winner si Jericho Rosales sa The Girl in the Orange Dress.

Continue reading below ↓

Na-achieve ni Echo ang look na mukha siyang sikat na sikat na artista sa pelikulang iyun.

Sumunod kay Jericho si Coco Martin ng Jack Em Popoy na consistent siyang magaling sa pelikulang iyun.

Ang Best Supporting Actor para sa akin ay si Tirso Cruz III lang. Napakagaling niya sa Rainbow’s Sunset, lalo na sa breakdown scene niya.

Puwedeng lumaban sa kanya si Tony Mabesa kung sa Supporting Actor category siya ilalagay.

Pero para sa akin, si Tirso pa rin ang winner.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rainbow's Sunset / Jack Em Popoy / Noel Orsal / @jerichorosalesofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results