Maine Mendoza, Toni Gonzaga, at Jessy Mendiola, ligwak sa MMFF best-actress nomination

Maine Mendoza, Toni Gonzaga, at Jessy Mendiola, ligwak sa MMFF best-actress nomination
by PEP Troika
Dec 28, 2018
PHOTO/S: @mainedcm / @celestinegonzaga / @senorita_jessy Instagram

JERRY OLEA: "Oh my God! Nanginginig ako!" emosyonal na bulalas ni Gloria Romero sa entablado matapos tanggapin ang best-actress trophy sa (Metro Manila Film Festival) MMFF 2018 Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, Huwebes, sa The Theater at Solaire, Parañaque City.

Pagpapatuloy ng beteranang aktres, "What a pleasant surprise! Alam niyo, napakagandang regalo ito sa akin. Pamasko ko na 'to, e.

 IMAGE Allan Sancon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Salamat po! Hindi ko akalain na sa edad kong 85 years old, makakatanggap pa ako ng ganito. Salamat..."

Makailang-ulit na pinagkalooban ng masigabong palakpakan si Gloria habang siya ay nagtatalumpati.

Ang dalawa pang nominadong best actress ay sina Anne Curtis (Aurora) at Kim Chiu (One Great Love).

Nagtamo si Anne ng special award na Scratch It LUCKY Female Star of the Night.

Ligwak sa nominasyon sina Toni Gonzaga (Mary, Marry Me), Jessy Mendiola (The Girl in the Orange Dress), at Maine Mendoza (Jack Em Popoy: The Puliscredibles).

 IMAGE @mainedcm / @celestinegonzaga / @senorita_jessy Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Hindi nakadalo si Tito Glo sa presscon at parada ng MMFF 2018 dahil sa sakit na vertigo. 

Pero dahil na rin sa pagkakaisa ng team nila sa Rainbow’s Sunset, win or lose ay nagpunta siya sa Gabi Ng Parangal.

Nang makita namin siya sa Aristocrat restaurant pagkatapos ng programa, sabi ko sa kanya, "Tita, it’s way past your bedtime na."

Ang sabi niya, "Oo nga, e, pero exception na ito, celebration naman, e.”

Sayang nga at hindi niya nakasama ang anak niyang si Maritess Gutierrez at apo na may sakit din daw.

In any case, after Tanging Yaman, na ipinalabas noong 2000 MMFF, deserving si Tita Gloria na manalo bilang best actress para sa Rainbow’s Sunset.

GORGY RULA: Mahirap naman talagang talunin doon si Gloria Romero.

Kaya magsisilbi na rin siyang inspirasyon ng ibang artista na dapat mahalin at pangalagaan ang kanilang propesyon.

Sa edad na 85, sinabi ni Tita Glo na hindi pa rin siya titigil sa pag-arte habang kaya pa niya ang pagmemorya ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahina na ang katawan, pero matalas pa rin ang isip niya at nakakapagmemorya pa ng mga linya.

Daig kayo ng lola ko!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mainedcm / @celestinegonzaga / @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results