JERRY OLEA: Masayang-masaya ang best supporting actress ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na si Aiko Melendez ng pelikulang Rainbow’s Sunset.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Aiko pagkatanggap ng trophy sa Gabi ng Parangal, nitong Disyembre 27, Huwebes, sa The Theater at Solaire, Parañaque City.

Sabi pa ni Aiko patungkol sa direktor niyang si Joel Lamangan, "Tsika ako nang tsika sa backstage! Direk Joel, this is for us!
"Sulit po yung pagdidisiplina ninyo sa aming mga artista sa set. This is what I got in return!"
Ibinahagi rin ni Aiko ang kanyang award sa co-star na si Sunshine Dizon, na nominado ring best supporting actress.
"She became my instant sister not only in the film but in real life," sambit ni Aiko.
Siyempre, ibinahagi rin niya ang award sa iba pang co-stars, sa producer ng pelikula na Heaven's Best film company, at sa mga mahal sa buhay—partikular na ang kanyang lucky charm at boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.
Nakangiting hirit ni Aiko, "I play the role of a mayor in this film... Ang real mayor po ng buhay ko, Jay Khonghun, this is for us! Thank you!"
View this post on Instagram
Ang isa pang nominado sa kategoryang iyon ay si Miles Ocampo ng One Great Love.
Hindi nominado si Max Collins ng Rainbow’s Sunset, pero pinagkalooban siya ng Special Jury Prize.
"Totoo ba ito?! Oh my God! Hindi ako handa!" bulalas ni Max sa acceptance speech.
Hindi pa rin makapaniwalang pahayag niya: "Guys, bakit hindi ninyo sinabi sa akin?! Oh my God! Thank you so much, MMFF! Thank you everyone! Salamat sa jury, salamat sa Heaven’s Best.
"And sa... Oh my god! Hindi ko kaya! Rainbow’s Sunset, lahat kayo na nandiyan, mahal ko kayo!
"Oh my god! I can’t believe this! Seriously!"
Siya nga pala, ang role na pinagwagian ni Aiko ay unang inialok kay Maricel Soriano.
NOEL FERRER: Ay! Iyon pala yung role ni Marya na hindi natuloy, dahil diumano'y nagturing ito ng halagang hindi kakayanin ng produksyon!
Sayang. Baka hindi para kay Marya yun, kasi, it’s really the senior citizens' vehicle.
As for Aiko, good gesture na mag-share siya ng trophy kay Sunshine na deserving din sa award.
As for Max, she was really good. Kaya lang, hindi siya inilagay ng producers sa MMFF entry form, na siyang kinu-consider for nominations.
Magandang lesson ito sa mga producers—na seryosohin ang pagfi-fill up ng form sa MMFF.
Kasi, iyon ang pinagbabasehan ng marami sa mga aksyon na very government ang pagkastrikto sa procedure.
O, ano, Tito Gorgy, malungkot ka pa rin ba kay Alex Gonzaga na naungusan pa pala ni Miles Ocampo?
I also felt bad for the Gonzaga sisters who I saw last night. Good sport sila na naga-attend ng awards nang walang expectations!
GORGY RULA: Kasi naman, ang taas ng turing ni Maricel Soriano na hindi kinaya ng Heaven’s Best, kaya kay Aiko napunta ang role.
Okey naman si Aiko, pero mas gusto ko si Sunshine Dizon sa pelikulang iyon.
Kanya-kanyang taste yan, e.
Medyo napakunot-noo lang ako sa pagbibigay ng Special Jury Prize kay Max Collins. Wala kasi siya sa mga nominado.
Ang dinig ko, hindi isinama ng producer si Max sa cast list ng Rainbow’s Sunset. Doon daw kasi sumusunod ang board of jurors.
Hindi ba napansin ng producer na magaling talaga si Max sa mga eksena niya sa pelikulang iyon?
Mabuti at napansin ito ng mga hurado kaya binigyan siya ng Special Jury Prize.
Pero bakit hindi na lang siya isinama sa mga nominado at sa kanya na ibinigay ang Best Supporting Award?
Ang dating kasi sa akin ng Special Jury Prize, parang runner-up sa totoong winner.
Gaya ng kay Eddie Garcia na tinalo ni Dennis Trillo sa Best Actor category, kaya binigyan siya ng Special Jury Award.