Liza Diño, isinusulong ang pagpondo para sa Filipino film entry sa Oscars

GORGY RULA: Magpo-focus si Liza Diño, chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kung paano ma-penetrate ng pelikula natin ang Oscars.

May 30 beses na tayong nag-submit ng entry para sa kategoryang Best Foreign Language ng Academy Awards, pero hindi pa tayo napansin kahit hanggang shortlist man lang.

IMAGE Jerry Olea

(Seen in photo are Rainbow's Sunset lead stars Gloria Romero and Tony Mabesa together with FDCP Chair Liza Dino.)

Kaya ang naisip ni Chair Liza ay kailangang magdagdag ng pondo para gamitin sa pangangampanya sa aspiring entry natin sa Oscars.

Paliwanag niya: "From what I’ve heard, PHP10M, napakaliit pa yun for campaign.

"When you say campaign… 1,600 members ang Academy. Kailangan, gawin natin ang lahat na paraan para makarating sa kanila ang pelikula at mapanood nila yung pelikula.

"Kailangan, mag-hold ka ng events para mapakilala mo ang Pilipinas, mapakita mo ang pelikula, magkaroon ng screening—na kailangan pa mag-hire ng PR team doon para isulat yung pelikula."

Kaya hihingi siya ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan para mag-ambag sa gagastusin na pangangampanya.

Patuloy na lahad ni Liza: "Nag-usap kami ni Sir Leo Martinez, ang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP), na gustong tumulong ng FDCP to really push [for a Philippine entry to Oscars] and to really plan it out.

"Kasi, minsan, yung pagpili natin ng pelikula, medyo huli na rin. So, kailangang pagkapili na pagkapili ng film, yung counterpart sa U.S. na gagawa ng campaign, dapat kasali na.

"Next year, talagang mag-allot ng budget ang bawat isang ahensya para magtulung-tulong kami na ang magiging entry natin next year, talagang iingayin, and make sure na magkaroon ng laban.

"Kaya sana, we are requesting other agencies, pati Department of Tourism, na lahat kami, mag-ambag-ambag.

"Na talagang once na nakuha na namin yung entry, talagang integrated na yung effort ng lahat, to make sure na we can support the campaign of that particular Filipino Oscar entry."

Maganda raw sana ito bilang bahagi ng pagdiriwang natin next year ng 100 years of Philippine Cinema.

"Sana, we can prepare more for it, kasi, di ba, 100 years of Philippine Cinema? Baka naman sa ikasandaang taon, meron na tayong entry, na makakasama na tayo sa Oscars," sabi pa ni Liza.

IMAGE Jerry Olea

(In the photo, Liza Dino catches up with Rainbow's Sunset's Ferdy Lapuz.)

NOEL FERRER: Ok iyang effort na yan dahil kailangan talagang magtulung-tulong para makamit natin ang inaasam na Oscars recognition.

Hindi sapat na kasama sa Academy Awards ang mga premyado nating direktor na sina Brilliante Mendoza at Lav Diaz.

Kailangan talaga nang matinding pangangampanya para ipakilala ang husay ng manlilikhang Pilipino, lalo’t centennial celebration ng Philippine Cinema.

Curious ako, ano kayang pelikulang Pilipino ang ating magiging pambato?

Anuman yon, magandang nagkakaisa tayo para ikampanya yun!

JERRY OLEA: Ang mga pelikulang nano-nominate sa best-foreign-language film category ng Oscars, at maging sa Golden Globes, ay madalas na naunang umingay sa prestihiyosong international film fests.

Lalo na kung ito ay maipapalabas sa Big Three film fests—Cannes Film Festival, sa Cannes, Venice International Film Festival, at Berlin International Film Festival.

May komite ang Academy Awards na pumipili para sa siyam na banyagang pelikula na maso-shortlist.

Kailangan ng Catriona Gray-esque preparation para ma-penetrate natin ang Oscars.

At baka sakaling magsilbing "silver lining" sa 100 years ng Philippine Cinema... bow!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN