NOEL FERRER: Na-launch na ang bonggang bagong trailer ng Born Beautiful, starring Martin del Rosario, Akihiro Blanco, at Kiko Matos na ipapalabas na sa January 23, 2019.
Iprinodyus ito ng ng Idea First Company nina Jun Lana at Perci Intalan.
Kasabay nito ay nabuhay ang kuwento ng dalawang closet gays ng magkabilang TV network, na ingat na ingat ang mga boss na hindi umalingasaw ang kanilang tunay na pagkatao.
Una ay ang Kapamilya actor na sumailalim sa isang challenge sa isang show, na sobra ang pagtili nang ma-excite at matakot sa activity.
Hindi na nagulat ang mga kasamahan niya sa trabaho. Mas maingay pa siya sa babaeng kasama niya sa episode.
Ikalawa ay ang Kapuso star na nag-evolve na to be a good actor, pero minamanmanan ng mga boss ng network na hindi pumilantik ang kanyang mga kamay at huwag masyadong give-away ang facial expressions para hindi bumigay.
Pero tila hindi niya napigilan ito nang mag-Miss Universe at ipinakita ang kanyang reaksyon sa pagkapanalo ni Catriona Gray.
Ayun, biglang naging sanitized ang version ng lumabas na video dahil ayaw ipalabas ng mga boss ang lamya ng kanilang lead actor.
Ang tanong ko, kailangan pa ba itong itago? Sabi nga sa Rainbow’s Sunset... 2018 na, isyu pa ba kung bading nga sila?
GORGY RULA: Kailangan talagang itago dahil promising ang kanilang career.
Namamalisyahan tuloy itong ginawa ng TV network na ito, at lalong nakumpirmang badikla ang iniingatan nilang aktor.
E, si Tito Joey de Leon nga, nakakaaliw ang ipinost niyang reaksyon sa pagkapanalo ni Catriona Gray, hinayaan naman ng Eat Bulaga.
Si Ken Chan, nakakatuwa rin yung mala-Boyet ng My Special Tatay na ipinost niyang nagtatanong kay Catriona kung ano raw ba ang ibig sabihin ng "silver lining" sa sagot ng beauty queen sa Q&A portion.
Sa totoo lang, lahat tayo ay masaya sa pagkapanalo ni Catriona sa Ms. Universe. Kaya natural lang yung iba’t ibang reaksyon ang nai-post sa social media.
Huwag na lang lagyan ng malisya.
JERRY OLEA: Hay, naku! Dapat wisikan ng asin (pink Himalayan salt) ang dalawang aktor para huwag umalingasaw ang kanilang chenes-chenes na lansa.
Sumangguni kaya sila kay Mark Bautista, na pogilicious at yummylicious nang mag-perform at mag-host sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, Huwebes sa The Theater at Solaire?!
Gaya ni Mark, parehong magaling mag-sing (and dance?) ang dalawang aktor, huh?!