MMFF 2018 entries na kulelat sa awards, wagi naman sa box-office?

by PEP Troika
Dec 28, 2018
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @mr.cocomartin / @cathygonzaga Instagram

JERRY OLEA: Sa walong entries ay lima lamang ang nominadong best picture sa (Metro Manila Film Fest) MMFF 2018.

Ang tatlong winners ay: Rainbow’s Sunset (best picture), Aurora (second best picture), at One Great Love (third best picture).

Ang dalawa pang nominado ay Jack Em Popoy: The Puliscredibles at Mary, Marry Me.

 IMAGE @praybeytbenjamin / @mr.cocomartin / @cathygonzaga Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit best picture nominee ang Mary, Marry Me ay bokya ito sa awards gaya ng tatlong ligwak sa nasabing kategorya—Otlum, Fantastica, at The Girl in the Orange Dress.

Labing-isang parangal ang hinakot ng Rainbow’s Sunset.

Post ng kaibigang Ogie Diaz sa Facebook, baka mas gusto ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang RAINBOW colors kesa sa ORANGE.

Hmm... Ang mga hurado po ang pumili ng mga pararangalan, hindi ang pamunuan ng MMDA, na siyang nangangasiwa sa MMFF.

Kahit nakakuha ng gradong A ang Jack Em Popoy mula sa CEB (Cinema Evaluation Board), para sa mga hurado ay hindi ito pasok sa tatlong pinakamagagandang entries ng 44th MMFF.

Nakakatuwa na ang Rainbow’s Sunset ay wagi rin sa mga kategoryang best director (Joel Lamangan) at best screenplay (Eric Ramos).

Pagbibigyan kaya ng theater owners ang panawagan ng mga taga-Rainbow’s Sunset na madagdagan sila ng mga sinehan?

Tatangkilikin ba ito ng moviegoers ngayong humakot ito ng mga tropeo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

O mas gusto pa rin ng mga manonood ang Fantastica, starring Vice Ganda, na wala kahit isang award, kahit best float man lang?

So, ang pinakawagi sa awards, ngangey sa takilya.

At ang isa sa apat na ngangey sa awards, pinakawagi sa puso ng audience.

NOEL FERRER: Narinig ng pamunuan ng MMFF 2018 at ng theater owners ang panawagan ng producers ng mga nanalong mga pelikula na dadagdagan ang mga ito ng mga sinehan. Sigurado ako rito.

Ang aming panalangin—suportahan sana ng mga manonood na Pilipino ang mga pelikulang maganda at nakakaangat sa panlasa sa takilya.

Ngayon, ang hamon at ang bola ay nasa mga manonood na!

GORGY RULA: Tanggapin na natin na ang Metro Manila Film Festival ay para talaga sa commercial films.

Nangahas tayo noong 2016 na baguhin ang batayan ng mga pelikulang pinili, hindi nga umubra, di ba?

Binago na ito ngayon, ang apat na unang pinili base sa ipinadalang script ay obviously may commercial appeal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang top three sa box-office ay mula sa mga unang batch na pinili. Ang The Girl in the Orange Dress lang ang hindi umepek.

Ang mga hindi lumaban sa box-office ay mga pinili ng screening committee base sa ganda ng pelikula. Pero hindi nagswak sa panlasa ng masa.

Kaya panindigan na lang talaga na ang MMFF ay pang-commercial films.

Di ba, sabi nga ni Direk Brillante Mendoza, fund-raising lang talaga ang MMFF, hindi nagpapaangat sa antas ng pelikulang Pilipino?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @mr.cocomartin / @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results