Martin del Rosario, kaninong kissing scene kina Kiko Estrada at Kiko Matos mas nagalingan?

JERRY OLEA: Pasiklab ang pasilip ng My Stepmother’s Lover na ipapalabas sa first quarter ng 2019.

Kakaibang init ang hatid nina Sunshine Cruz, Martin del Rosario, at Kiko Estrada sa pelikulang dinirek ni Adolf Alix Jr. para sa ALV Films.

IMAGE My Stepmother's Lover / Born Beautiful trailer

Sa teaser, nakipaghalikan si Sunshine kina Martin at Kiko. Kapagkuwan ay pinagsasampal niya ang mga ito.

Sa bandang huli, akmang hahalikan ni Martin si Kiko.

"The film will explore the grey areas of relationships," sabi ni Direk Adolf.

Dagdag ng award-winning director, "Three is a crowd, ika nga."

Ayaw sabihin ni Direk Adolf kung naghalikan nga sina Kiko at Martin.

Kasama rin sa cast ng movie sina Joko Diaz, Samantha Lopez, Channel Morales, at Pinky Amador.

NOEL FERRER: Si Martin del Rosario na siguro ang bagong macho gay icon ng kanyang henerasyon.

Sa Red Band trailer ng pelikulang Born Beautiful—ipapalabas sa Enero 23, 2019—lips-to-lips agad-agad sila ni Kiko Matos.

Kanino kayang halik ang mas masarap sa kanya?

Hintayin natin kung paano sasagutin ni Martin ang mga katanungang ito.

GORGY RULA: Asahan nating magkakasunod ang mga pelikulang produced ng ALV Films.

Hindi lang ang My Stepmother's Lover ang ginawa ng ALV. Marami pa silang sinimulang proyekto.

Isa na rito ang Because I Love You, na idinirek ni Joel Lamangan. Bida rito ang Kapuso stars na sina Shaira Diaz at David Licauco.

Pawang talents ng ALV ang mga artista para hindi sila nawawalan ng trabaho.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN