Young hunk actor na babading-bading, super babaero pala

by PEP Troika
Dec 29, 2018

GORGY RULA: Nabukelya ang pagiging babaero ng young hunk actor sa isang magandang female celebrity na pinopormahan niya.

Sabi ni young hunk actor, wala na sila ng non-showbiz girlfriend niya kaya nagpaparamdam ito kay pretty female celeb na alaga ng kaibigan niyang manager.

Kinakaibigan ni young hunk actor ang manager ni female celebrity pati ang iba pang talents.

Super-tsika siya roon na kapag wala siyang ginagawa, tumatawag ito kay manager para sumama kung saan ang lakad nila.

Kamakailan lang ay nakipagtsikahan ito sa manager ni female celebrity na type niyang ligawan.

Tinutukso na kasi silang dalawa at gets na ni female celebrity na type siyang pormahan ni young hunk actor.

Sa manager muna siya nakipagtsikahan at minsan ay pumupunta na lang ito sa office ng management group ni female celebrity.

Noong huling pakikipagtsikahan ni young hunk actor kay manager, nabanggit niyang nandoon lang daw siya malapit sa opisina nila.

Niyaya siya ni manager na mag-drop by.

Continue reading below ↓

Ilang sandali lang, dumating si young hunk actor na may kasamang magandang girl.

May ka-date pala siyang dinaanan sa lugar ding iyun.

Nagulat silang lahat nang dumating si young hunk actor na may karay-karay na magandang girl.

Pero mas nagulat si young hunk actor dahil Christmas party pala ang nadatnan niya at nandoon si pretty female celebrity na type niyang pormahan.

Nataranta siya bigla.

Hindi niya alam kung saan niya itatago ang ka-date na girl.

Huli na rin dahil nakita na siya ni female celebrity, at napatunayan kung gaano kababaero si young hunk actor.

Kaya deadma na si female celebrity kay young hunk actor.

Hindi na ubra ang drama ni young hunk actor dahil nabukelya na hindi ganoon kaseryoso si young hunk actor sa balak niyang panunuyo kay pretty female celebrity.

Sabi ni manager, akala niya e babading-bading lang si young hunk actor, pero babaero pala talaga ito.

JERRY OLEA: Noong Oktubre ko pa sinabi sa manager ni female celebrity na eklayero si young hunk actor.

Continue reading below ↓

Naikuwento noon sa akin ni manager na sinabi sa kanya ni young hunk actor na loveless ito at kabe-break lang sa girlfriend two weeks ago.

Sabi ko, hindi totoo iyon.

Nakita ko kasi si young hunk actor sa Pinoy Playlist musicfest sa BGC the week before, at ipinakilala nito ang kasama bilang girlfriend niya.

NOEL FERRER: Akala ko rin, malamya 'yang male star na yan, pero oo, babaero pala.

Pero that remains to be seen.

Kasi, iyung iba, front ang pagkakaroon ng maraming girls pero latent ang pagka-berde ng dugo.

But what’s wrong with our sexual orientation, di ba?

Sana, hindi lang nanloloko ng kapwa, di ba?

Siguro, instead na pambababae ang atupagin ng star na ito ay magsanay muna siya sa akting niya.

Sa last TV series niya pati yung isang movie niya na floppey -- tinimbang siya ngunit kulang.

Yun na lang munang career ang unahin niya!

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
PEP Troika blind item
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results