This 2019: goodbye, AlDub, hello ArDub?

by PEP Troika
Dec 30, 2018

NOEL FERRER: Mula sa pagsasama nila sa pelikulang Jack Em Popoy hanggang sa group dates na naging sila na lang dalawa—sa mga resto sa Manila hanggang nag-Bali at pagpunta ng block screening ng pelikula nila—kitang-kita ang kakaibang closeness nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Safe pa ito kung tutuusin dahil pelikula nilang pareho ang Jack Em Popoy, pero ang magandang abangan ay kung susuportahan ni Maine ang pelikula ni Arjo with Joross Gamboa at Ketchup Eusebio na ‘Tol na ipapalabas na ngayong January.

Continue reading below ↓

Knowing Maine na kilala sa pagpapakatotoo, walang masama sa kanya kung suportahan man niya ang isang kaibigan niyang mahal.

JERRY OLEA: Single si Maine. Single si Arjo. Pareho na silang nasa edad. E, ano kung mag-date sila?

Alangan namang mag-jack ‘n poy lang sila, di ba?

Kung si Arjo ang makapagpapasaya sa pagkababae ni Maine sa 2019...

Goodbye, AlDub... hello, ArDub?!

GORGY RULA: Sabi ni Alden Richards, nandiyan pa rin ang AlDub.

Umaasa siyang magkakaroon sila ng project na pagsasamahan nila ni Maine sa 2019.

Sabi naman ni Maine nang tinanong namin noong nakaraang MMFF parade, “Tingnan po natin. Hindi naman po imposible yun, e. Sa tamang panahon.”

Nagka-exchange gifts daw sila ni Alden nung nakaraang Eat Bulaga! Christmas party kasama ang ibang Dabarkads.

Sila ba ni Arjo Atayde ay may pa-exchange gift din?

“Wala namang ganun,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Enough na ba yung presence na lang?

Continue reading below ↓

“Puwede na rin,” safe niyang sagot na super ngiti pa rin.

At nang napag-usapan ang tungkol sa mga ginagawa niyang kanta para sa album niya, tinanong namin siya kung ang love life ba ang isa sa pinaghuhugutan niya?

“Puwede rin sa love life,” game na sagot ni Maine.

Kaya parang wala namang itinatago ang Eat Bulaga! Phenomenal Star at open sila ni Arjo sa kung anong meron silang dalawa.

Pero tanggap kaya ng AlDub Nation ang ArDub? I doubt!

Minsan ngang ibinalita ni Arnold Clavio sa radio program niya ang tungkol kina Maine at Arjo, binomba siya ng katakut-takot na bashing.

NOEL FERRER: OK naman maging loyal sa love team. Pero sana, nakabase tayo sa pagpapakatotoo!

Yan ang makakapagpalaya at makapagpapaligaya sa atin sa 2019 and beyond!!!

AlDub o ArDub man, alam dapat natin kung ano ang for reel at for real!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results