Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Bong Revilla, sabik na nakapiling ang pamilya nitong Pasko at Bagong Taon

by PEP Troika
Jan 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Maligaya ang Pasko at Bagong Taon ni dating Senador Bong Revilla sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

"Nag-check in kami sa isang hotel para makapagpahinga," nakangiting sambit ni Bong nang makatsika namin nitong Disyembre 31, Linggo nang gabi, sa Imus, Cavite.

Dagdag niya, "Pero yung gift-giving, hindi puwedeng hindi mo ituloy yun. So, yung tradisyon, tuluy-tuloy.”

 IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Siyempre, nagbantay rin sila sa kanyang ama na si Ramon Revilla Sr. sa ospital, noong December 25.

Pero okey na ang Revilla patriarch at pinauwi muna ng doktor sa bahay tatlong araw bago mag-New Year's Eve.

"Mas malaki kasi ang possibility na mag-acquire ka ng bacteria doon. Doon, marami siyang sakit na puwedeng ma-acquire, lalo na sa edad niya,” seryosong lahad ni Bong sa kalagayan ng ama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ano ang balak niya sa 2019?

Sagot ng actor-politician, “Siyempre, sasabak uli tayo sa Senado at iikot na tayo ng bansa.

"Although marami na rin tayong naikot na mga probinsya, like Cebu, Pangasinan, Pampanga, General Santos, Koronadal, Cotabato."

Noong December 7, 2018, hinatulan ng Sandiganbayan na not guilty si Bong sa kasong plunder.

Nakalaya na ang dating senador matapos ang apat na taon at anim na buwang pagkakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center, sa Camp Crame, Quezon City.

Kumusta ang pagtanggap sa kanya ng mga tao?

Continue reading below ↓

Napangiti muli si Bong, “Napakainit! Makikita ninyo sa Facebook ko. Tingnan niyo sa page ko, yung Ramon ‘Bong’ Revilla sa FB.

"Prinomote talaga! Ako na talaga 'to! Wala nang ano 'to, ha?! Baka mamaya, masuspindi na naman ako!"

Ang pabirong tinutukoy ni Bong ay ang insidente noong June 2015, kung saan napabalitang nagpost siya ng selfie sa loob ng kulungan.

Dahil dito ay kinumpiska ang mobile phone ni Bong sa isang surprise inspection ng awtoridad sa kanyang kulungan.

Mahigpit kasing ipinagbabawal sa isang detainee ang pagkakaroon ng mobile phone.

NOEL FERRER: Get well soon kay Mang Ramon Revilla at sana'y tuluyan nang bumuti ang kanyang kalagayan.

As for Bong Revilla, iba talaga ang mag-Pasko at Bagong Taon na malaya.

Tulad nang sinabi ko noon, sana ay magbalik pelikula na siya—dahil ito ang pamilya niya.

Ibang klase ang politika!

GORGY RULA: Marami nang nagtanong kung ang unang pelikulang gagawin ni dating Senator Bing ay ang pagbabalik ng Alyas Pogi.

Continue reading below ↓

May ipinost kasi siya sa kanyang Facebook account na teaser ng Alyas Pogi 2019, mula sa movie franchise kung saan niya pinasikat ang linyang, “Anak ka ng teteng!”

Sabi niya, "Sa 2019 yun. Abangan niyo na lang after election. Abangan niyo na lang. Maraming pinaplano, basta!

"Siyempre, na-miss ko yung mga tagahanga ko. Na-miss ko ang pelikula, ang telebisyon.”

Kaya abangan na lang natin pagkatapos ng eleksyon kung ano ang plano niya sa kanyang showbiz career.

Si Bong ay kumakandidato muli bilang senador sa 2019 elections.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results