Mas marami nang sinehan ang nagpapalabas ng Rainbow's Sunset

by PEP Troika
Jan 2, 2019

JERRY OLEA: Palubog ang Rainbow’s Sunset sa tatlong unang araw ng MMFF 2018.

50+ ang sinehan nito noong opening day, Pasko. Naging 31 ang theaters noong December 26. Nabawasan muli at naging 19 cinemas noong December 27, Huwebes.

Sinu-sino lang ba ang magkakainteres sa pelikulang pinagbibidahan ng tatlong matatandang artista na sina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa?

Continue reading below ↓

Sa ikatlong gabi ng December filmfest, humakot ang pelikula ng 11 parangal.

Ang tatlong matandang bida ay pawang pinagpugayan ng inampalan.

Nanawagan ang direktor nitong si Joel Lamangan sa acceptance speech bilang best director, “Masarap na tanggapin ito pero may konting sakit din.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Sakit dahil... masakit na nasa harapan mo, unti-unting tinatanggalan ng sinehan ang pelikula mo.

“Pero may isang panalangin at pakiusap. Sana, sa mga susunod na panahon, kung ano ang napag-usapang numero ng mga sinehan na pagpapalabasan ay respetuhin din.”

Masigabo ang palakpakan at hiyawan, at isa sa mga tumayo ay si Jericho Rosales.

Pagpapatuloy ni Direk Joel, “Huwag nating ipagkait sa mga manonood ang kanilang karapatang makanood ng pelikula.

“Huwag lang nating isipin ang komersyo. Ang pelikula ay isang sining. At ang sining ay kaluluwa ng tao. Kaluluwa ng bayan.

“Huwag lamang nating patabain ang bulsa ng lahat ng may-ari ng sinehan.

“Patabain natin ang kaluluwa ng ating bayan...”

Continue reading below ↓

Noong December 29, Sabado, naging 66 na ang mga sinehan nito. Dumami ang mga manonood at may mga sinehan na pumapalakpak ang audience matapos ang screening.

May nag-suggest sa scriptwriter na gawin ang prequel nito, Rainbow’s Sunrise.

Patuloy ang pagsikat ng araw para sa pelikula na ang orihinal na pamagat ay Dapithapon ng Bahaghari.

Noong Bagong Taon, Martes, 84 na ang mga sinehan ng Rainbow’s Sunset.

At ngayong Enero 2, Miyerkules, 95 na ang mga sinehan nito.

NOEL FERRER: Naging New Year movie ng pamilya ko ang Rainbow’s Sunset kagabi. Puno ang last full show nito nang 9:00 PM sa Vertis North.

Maayos pa rin ang pelikula at gripping. Mahusay talaga ang acting ng mga tauhan.

Ang tanong ng pamangkin ko, former senator si Eddie Garcia at mayor si Aiko Melendez ng bayan nila, bakit ang konti ng tao sa libing scene?

Bakit yung nameplates ni Tirso Cruz III as assistant assessor, ni Aiko as Mayor, pati na ng mediator na namagitan sa kaso ni Tirso at sekretarya niya, parang papel lang na de computer na ipinatong sa mismong nameplate?

Continue reading below ↓

Siguro, dahil maganda talaga ang pelikula, itong mga maliliit na detalye na ang nakikita on another viewing.

Sana, patuloy pa ring tangkilikin ito ng mga tao.

JERRY OLEA: May sakit pa bang nararamdaman si Direk Joel ngayong 95 na ang mga sinehan ng Rainbow’s Sunset?

Reply ni Direk Joel sa aking text message, “OK lang, magandang development, masakit din doon sa mga natanggalan ng sinehan.

“Sana, kung ano ang nabunot sa umpisa pa lang ay yun na rin ang dami hanggang matapos ang festival! Happy New Year!”

GORGY RULA: “Nakakangiti na ako ngayon,” sabi ni Harlene Bautista nang nakausap namin sa DZRH kagabi, January 1.
Pero may mga sinehan pa sa mga probinsya na hindi pa ipinapalabas ang Rainbow’s Sunset.

“Sana, tulungan n’yo rin po kami na kalampagin through social media na sana, ipalabas din sa ilang probinsya,” pakli ng producer ng Heaven’s Best Productions.

Inamin ni Harlene na posibleng mabawi na nila ang ipinuhunan nila sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓

Kaya nagpapasalamat siya sa lahat na sumusuporta at sana, tuluy-tuloy na malakas sila at ma-extend pa pagkatapos ng MMFF.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results