Martin del Rosario at Kiko Matos, may todong love scene sa uncensored version ng Born Beautiful?

IMAGE Screen cam from Born Beautiful The Official Red Band Trailer


JERRY OLEA: Mapapanood ang uncensored version ng pelikulang Born Beautiful sa Enero 18, Biyernes, 7:00 p.m. sa Cine Adarna, U.P. Film Institute sa U.P. Diliman, Quezon City.

Sa "Red Band" trailer ng pelikula, sarap-sarapan ang halikan nina Martin del Rosario at Kiko Matos.

 IMAGE Born Beautiful

R-18 with cuts ang rating nito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at ipapalabas ito sa mga sinehan sa Enero 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa namin ang direktor ng pelikula na si Perci Intalan kung ano ang kaibahan ng R-18 version sa uncensored version.

Tugon ni Direk Perci thru Facebook Messenger nitong Enero 3, Huwebes, “May scenes that were deleted or bleeped (yes, bleeped!) sa R-18 version.

“Gets mo pa rin naman but syempre, mas true to the original vision itong uncensored na cut.

“After getting R-18, nag-hesitate na kaming putulin pa ang film to try to get a lower rating. Magsa-suffer na 'yung pelikula.”

May special participation sa movie si Paolo Ballesteros, at nasa cast din nito si Akihiro Blanco.

NOEL FERRER: Aside from Martin, this will also be a banner year sa talent nating si Akihiro Blanco.

After being introduced sa Regal movie with Ken Chan, heto at kasama naman niya si Martin del Rosario. He has now worked with two actors na magaling mag-act gay.

Bukod sa pagiging active sa promo ng Born Beautiful na may kick-off mall show sa Enero 12 sa SM Masinag, Antipolo City, pinaghahandaan din ni Aki ang pelikula na gagawin sa Marawi with Direk Arlyn dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Ang daming pelikulang nakatakdang ipalabas ngayong buwan.

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival (MMFF), magkakasunod na ang mga pelikulang magsu-showing na hindi ako sure kung tatangkilikin.

Base kasi sa trailer na ipinakita, parang wala pa ako masyadong magandang naramdaman.

Tingnan natin itong Born Beautiful na mukhang kuwela sa trailer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screen cap from Born Beautiful

Panibagong kuwento na naman ito ng kabadingan, kasunod ng kahawig nito sa tema na Rainbow’s Sunset ng MMFF 2018, 

Kaya tingnan na lang natin. Sana, maganda ang kalalabasan sa takilya.

Hindi ko alam kung makakaengganyo ba sa mga manonood ang kissing scene na ipinakita sa trailer.

Pero maganda si Martin del Rosario sa ayos niyang girl. Mas maganda siya kay Christian Bables, kaya bumagay rin sa kanya ang role.

Si Christian ang first choice na maging bida sa Born Beautiful, pero napunta ang proyekto kay Martin.

Ang mahal ngayon ng ticket sa mga sinehan kaya dapat sulit talaga ang napapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN