MMFF 2018 total gross, umabot na ng PHP800M and still counting?

IMAGE MMFF 2018


NOEL FERRER: Base sa huling pakikipag-usap sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 Executive Committee, mukhang puwedeng-puwede pang maabot ang nais nating PHP1B mark na total gross ng walong entries.

Positibo at upbeat pa rin ang mood ng box-office sales ngayong ikasampung araw ng festival.

Heto ang latest official statement ng MMFF Execom na ipinagawa sa akin:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Despite the rains, we are very happy to say that a large part of the Filipino audiences have gone back to the theaters again this Holiday Season; and we have exceeded the 2017 Christmas and New Year box office gross of the MMFF.

"We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7, and it is significant to note that there have been additional theaters where you can catch the films of your choice.

"Let’s all carry on to the P1B mark!

"Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

JERRY OLEA: Ayon sa bookers and distributors na reliable sources ng PEP Troika, as of January 2, Wednesday, ay naka-PHP800M na ang MMFF 2018.

Lumalabas na hindi na mababago ang ranking ng Top 3 highest-grossing MMFF 2018 entries.

Nagpahiwatig  si Vice Ganda na PHP400M na ang kinita ng Fantastica that same day.

Tweet ni Vice: "400 Million THANK YOUS Madlang People!!!! Ipagpatuloy natin ang pagyakap sa SAYA, TAWA at LIGAYA ng maging FANTASTIC ang Bagong Taon natin. #Fantastica"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa Facebook page na Philippine Box Office, lumampas na sa PHP200M ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan nina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza.

Napag-alaman din ng PEP Troika na malapit nang mag-PHP100M ang Aurora.

Pang-apat ang Mary, Marry Me nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa box-office ranking, at panlima na ang Rainbow’s Sunset.

Puwede pang humabol sa Top 4 ang pelikula nina Eddie Garcia at Gloria Romero na humakot ng 11 awards sa Gabi Ng Parangal.

Ang natitirang entries ay ang One Great Love, Girl In The Orange Dress, at Otlum.

GORGY RULA: Sana nga, ma-hit ang PHP1B target.

Kahapon, January 2, nasilip ko  sa ilang sinehan na marami pa rin ang nanonood.

Ang ilan sa mga pelikulang nadehado sa mga unang araw ng MMFF ay bumabawi na ngayon. Isa na rito ang Rainbow’s Sunset.

Pero ilan sa mga taong involved sa MMFF ay ang hindi pantay na distribution of theaters pa rin ang iniaangal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana raw ay magawan ng paraan na pantay-pantay ang maibigay na sinehan sa walong pelikulang kalahok.

Nakausap ko si Mother Lily Monteverde ngayong araw, January, 3, at sinabi niyang huwag na lang muna magsisihan.

Naiintindihan daw niya ang trabaho ng MMFF Execom.

Ang hiling lang sana niya ay magkaunawaan at magtulungan din ang producers sa pag-promote ng lahat na pelikula.

Huwag daw sana magkanya-kanya kahit naglalaban ang mga ito sa film fest, dahil sa huli ay ang buong local movie industry din ang makikinabang.

Sabi pa ni Mother Lily, masaya na rin siya sa box-office results ng One Great Love.

"Thankful ako kina Kim Chiu, Dennis Trillo, iba pang artista, at mga writers, pati movie press, kasi tinutulungan talaga nilang ma-promote ang movie.

"I'm happy for my movie. Basta happy lang tayo lahat," masayang pahayag ni Mother Lily.

Sa susunod na MMFF ay plano ng Regal na gumawa ulit ng isang magandang horror movie dahil iyon ang forte nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa man natatapos ang MMFF 2018 screening ng entries, pinaghahandaan na ng ilang producers ang isasali nila sa MMFF 2019.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN