Julio Diaz, lampas walong buwan nang nakakulong sa Bulacan dahil sa kasong droga

IMAGE @dolandcastro Twitter


GORGY RULA: Isang kaibigan sa panulat ang gumawa ng exclusive story tungkol kay Julio Diaz para sa bagong diyaryong bubuksan.

Naikuwento sa aming mahigit walong buwan nang nakapiit si Julio sa provincial jail sa Malolos, Bulacan dahil sa kasong drugs na kinasangkutan niya.

Unang naiulat na April 20, 2018 nahuli si Julio sa isang buy-bust operation ng awtoridad sa Meycauyan, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @dolandcastro Twitter

Puwedeng mag-bail si Julio para sa pansamantala niyang kalayaan, pero wala siyang sapat na halagang pampiyansa.

Humihingi ito ng tulong sa ilang kapamilya at mga malalapit na kaibigan, pero hindi siya pinapiyansahan dahil gusto raw nilang matuto ito ng leksiyon.

Ilang beses na kasi siyang tinutulungan noon, ngunit nasasangkot pa rin siya sa parehong problema. 

Si Coco Martin ang isa sa dinulugan ng tulong pampinansiyal, pero pampagamot lang daw ang ibinibigay ng FPJ's Ang Probinsyano star, dahil sang-ayon ito na dapat matuto muna si Julio sa loob ng kulungan.

Nagkasakit sa balat si Julio, na posibleng nakuha niya sa ibang inmates, kaya nangangailangan ito ng sustento sa gamot.

Isa pa sa tumutulong sa kanya ay si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

Ayon pa rin sa kuwentong nakarating sa amin, tila nakitaan ng kaunting pagbabago si Julio.

Napag-alamang mayroong diary si Julio kung saan nakatala ang kanyang karanasan mula nang siya ay makulong hanggang sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan daw sa isinusulat niya sa diary ay mga natutunan niya sa pagbabasa niya ng bibliya.

Naging malapit daw ito sa Diyos at nagpi-preach na raw ito sa ibang inmates sa loob.

Sa ngayon, wala pa kaming update sa nililitis pa ring kaso ni Julio.

JERRY OLEA: Dinalaw na si Julio ng kanyang ex-wife na si Maricel, ang flight attendant na anak ng dating aktres na si Marita Zobel. 

Naisama rin ni Maricel sa pagbisita kay Julio ang anak nilang si Kari

Isang madamdaming dedication ang isinulat ni Julio sa litrato nilang tatlo, kung saan may dalang birthday cake si Kari para sa ama.

Sabi sa isang bahagi nito, "...salamat po, PANGINOON, nakikita ko na ang mga palatandaan ng ISANG MABUBUO MULING PAMILYA na siyang gagamot at ipaghihilom ng dating sugat na aking nagawa sa kanila, lalung-lalo na kay Maricel.

"Na kung alalahanin ko nang MINSAN AY HUMILING AKO SA INYO, my LORD, na IBIGAY N’YO SA AKIN ANG TAMA AT MARAPAT NA KABIYAK ng PUSO KO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"TINUPAD N’YO, MAGING ANG ANAK KONG SI KARI AY HININGI KO RIN SA INYO. AT BINIGAY NINYO. SALAMAT PO.”

Dalangin kong mapabuti ang kalagayan ni Julio, at huwag na siyang maligaw ng landas.

NOEL FERRER: Karinyo brutal, tough love—yan ang treatment ni Coco kay Julio Diaz ngayon.

Tinutulungan din kaya siya ng mga na-link sa kanya noong mga aktres at direktor?

Sana naman ay magtanda na si Julio—dahil hindi lahat ay nabibigyan ng bagong pagkakataon.

Harinawa!!!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN