Male celeb at sikat na aktres na nagpatalbugan, bakit tinawag na Banyo King and Queen?

by PEP Troika
Jan 3, 2019

GORGY RULA: Manghang-mangha ako sa ganda ng bahay ng isang male celebrity na dinalaw ko kamakailan lang.

Ang gaganda ng mga gamit kung saan sobrang tinutukan niya ang mga finishing touches at fixtures nito.

Kuwento ng kaibigang male celebrity, pareho sila ng binibilhan ng mga gamit ng isang sikat na aktres na nagpapatayo rin ng malaking bahay malapit sa village niya.

Ang drama ni male celebrity, naghihintay siya ng sale ng mga gamit at binibili niya. Doon niya nalamang doon din bumibili si sikat na aktres pero walang sale-sale dito.

Ang gaganda at mahal daw ang mga binili ni aktres, kaya nakaramdam ng slight na pagkainggit si male celebrity.

Halos pareho kasi sila ng laki ng bahay na pinatayo, at halos pareho rin sila ng gamit na inilagay sa kanilang bahay.

Nagtanong si male celebrity sa store na binilhan nila ng magagandang tiles.

Itinanong niya sa manager doon kung kasindami rin ba ng binibili niyang tiles ang binili ni sikat na aktres.

Continue reading below ↓

Sabi ng manager, halos magkapareho sila ng biniling tiles para sa banyo nila.

Kaya lang, yung dami ng tiles na binili ni male celebrity para sa pitong banyo ng bahay niya ay para lang pala sa isang banyo ni sikat na aktres.

Hindi niya lubos-maisip kung gaano kalaki ang banyong ito sa bahay ni sikat na aktres.

Sumuko na si male celebrity. Hindi niya kayang pantayan ang kabonggahan ni sikat na aktres sa bagong bahay nito.

JERRY OLEA: Masipag ang sikat na aktres, kaya hindi ako nagtaka kung bonggang-bongga ang banyo niya.

Pupusuan natin ‘yan!

Puwede ba siyang taguriang Banyo Queen?

At si male celebrity na may pitong banyo sa bahay, siya ba ang Banyo King?

NOEL FERRER: Leveling talaga sa tiles at sa interiors, ha?!

Sana, naitanong mo rin sa male celebrity kung nagsasama pa rin ang kapitbahay niyang kontrobersyal couple na napabalitang hiwalay na.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results