Richard Merk, humihingi ng financial help para sa kanyang hospital expenses

IMAGE Richard Merk Facebook


NOEL FERRER: Nakakalungkot ang kinasapitan ng ating kasamahan sa trabaho na si Richard Merk, beteranong singer-actor at panganay na anak ng Queen of Pinoy Jazz na si Annie Brazil. 

 IMAGE Richard Merk Facebook

Naisapubliko ang break-up ni Richard at asawa nitong si Roni Tapia sometime in 2018. 

At noong December 28, 2018, dumanas ng panibagong dagok sa buhay si Richard nang malagay sa kritikal na kondisyon ang kanyang kalasugan at siya'y isinugod sa ospital dahil sa iba't ibang karamdaman. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

December 30 nang ibalita ng kapatid ni Richard na si Rachel Anne Wolfe na nakalabas na ng intensive care unit (ICU) sa isang ospital ang  singer-actor. 

Ngayon, si Richard mismo ay dumudulog sa mga kaibigan at nakakakilala sa kanya na kung maaari ay bigyan siya ng tulong pampinansiyal pambayad ng kanyang hospital at medical expenses.  

Heto ang liham ni Richard (published as is): 

"Dear Friends,

"It is very hard me to write this letter because I have always been the one organizing in raising funds for friends who are in need.

"I never thought that I would be in this position at age 64. A lot has happened these past few years and now I find myself in the situation.

"In this letter I am asking for help... financial help. My closest friends have created a bank account for the hospital/medical expenses I have incurred.

"Any amount of help is greatly appreciated. What happened to me is a huge set back financially.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you in advance for your kindness and May God Bless You!

"Savings Account:
Richard James Merk
BDO Savings
Acct. #
003520204929

"Grateful,

"Richard Merk"

GORGY RULA: Tumulong ako minsan sa isa sa concerts ni Richard Merk.

Iyon ang kapanahunang close sila ni Nora Aunor, o mas kilala sa showbiz circles bilang Ate Guy.

Suportado ng Superstar ang lahat na projects noon ni Richard.

Marami siyang mga kaibigan na tumutulong sa concerts niya. Kaya tingin ko, marami ang mag-e-extend ng tulong sa magaling na singer.

Alam niyo ba, sa sandaling nakasama ko sa isang project si Richard, doon ko nakita kung gaano siya kagaling mag-isip ng concept sa isang show.

Kaya tumutulong din siya noon sa paghanap ng magagandang piyesa na kakantahin ni Ate Guy.

Kahit paano, may naiambag siya sa ating music industry.

JERRY OLEA: Huling nakita ko si Richard ay sa second night ng lamay kay Rico J. Puno sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City, noong Nobyembre. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging doon ay may suggestions si Richard para sa necrological service ni Rico.

Dalangin kong tulungan si Richard ng mga kasamahan sa industriya!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN