GORGY RULA: Nakatanggap ang PEP Troika ng text message mula sa bumubuo ng Kapuso drama series na Cain at Abel na na-hack pala ang Twitter account ni Dennis Trillo.
Gusto nilang linawin na hindi si Dennis ang sumasagot sa ilang tanong ng followers nito.

Makikita sa Twitter account ng Kapuso Drama King na merong nagtanong kung bakit hindi man lang daw naglabas ng congratulatory post ang GMA-7 sa pagkapanalo ni Dennis bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Medyo sarcastic ang sagot dito sa Twitter account ni Dennis na, “Ganyan kami ka-importante sa GMA.”
Meron pang isang netizen na nag-suggest sa kanya na sana, gumawa raw ito ng action movie kasama ang dating Sen. Bong Revilla Jr.
May sagot naman doon na, “Bad idea.”
Mismong si Dennis ang nagparating sa mga taga-Cain at Abel na hindi mula sa kanya ang mga tweet na lumabas sa kanyang Twitter account.
Huli na lamang niya nalamang na-hack na ang kanyang Twitter account.
JERRY OLEA: Hindi kapani-paniwala na manggagaling kay Dennis ang mga ganoong pagmamaasim.
Pinapahalagahan ng GMA Network ang kanilang Kapuso Drama King. Hindi nawawalan ng regular TV series ang aktor. Iyon ang importante.
At gumawa ng ad ang GMA bilang pagbati kay Dennis sa pagiging best actor nito sa MMFF 2018 para sa pelikulang One Great Love.
Ganun din kina Gloria Romero, na nanalo ng best actress, at Joel Lamangan, na nanalo ng best director, para sa pelikulang Rainbow's Sunset.
NOEL FERRER: Bagama’t derechong kausap at opinyonado kaya natin siya gusto, wala sa hulma ni Dennis na sumagot nang ganun.
Napanood ko ang pelikula niyang One Great Love at masasabi kong properly nuanced ang acting niya rito, at deserved niya ang parangal sa kanya.
Hindi lang natin kinakaya ang tawagan nila ni Kim Chiu ng “Bes” pero look-out na yun ng scriptwriter.
Truly, he’s one of the best actors of his batch!!!
More significant projects for Dennis—especially on films!