JERRY OLEA: Ayon sa national TV ratings ng Kantar Media, noong Disyembre 31, Lunes, naka-16.9% ang Salubong 2019 The ABS-CBN New Year Countdown, kontra sa 12.8% ng GMA New Year Countdown.

Noong Enero 1, Martes, number one pa rin ang ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.
Nagtala ng 35.2% ang teleseryeng ito ni Coco Martin, kontra sa 13.4% ng Cain at Abel, ang GMA prime-time series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Nangunguna rin ang iba pang Kapamilya TV shows, base pa rin sa datos ng Kantar Media.
Naka-25.2% ang ABS-CBN prime-time series na Ngayon at Kailanman, kontra sa 16.9% ng GMA prime-time series na Onanay.
Naka-21.6% ang ABS-CBN prime-time series na Halik, kontra sa 8.3% ng GMA prime-time series na My Golden Life.
NOEL FERRER: Halos tigka-kalahati agad ang agwat sa panimula ng taon?
Sana, with their new line-up of TV shows, makatapat na sa ratings ang GMA Network, na alam natin na malabong malugi sa kanilang mga produksyon dahil monitored lahat nila ang gastusin.
Sa line-up na iyon, excited ako sa The Boobay and Tekla Show, sa bagong season ng Starstruck, at sa online newscast ng ating talent na si Atom Araullo.
Happy New Year, Kapuso, Kapamilya... at Kapatid na rin!
GORGY RULA: Ang nakuha kong ratings ay sa AGB Neilsen.
Hindi ko napanood ang ginawang Salubong 2019 ng ABS-CBN 2, pero sa pagkakaalam ko, maikli lang ang sa kanila dahil ang mismong New Year Countdown nila ay nagsimula nang 11:27 p.m. at natapos nang 12:03 a.m.
Ang New Year Countdown show ng GMA Network ay nagsimula nang 10:30 p.m. na nakakuha ng 8.7% sa TV ratings, base sa datos ng AGB Nielsen.
Nakatapat nito ang late-night talk show Tonight with Boy Abunda na may 6.7%, ang late-night newscast na Bandila na nakakuha ng 6.1 %, at ang Salubong 2019 The ABS-CBN New Year Countdown na nakakuha ng 5.8% sa TV ratings.