Young female starlet patuloy na magtatago sa closet, at iba pang celeb forecast sa 2019 Year of The Pig

by PEP Troika
Jan 4, 2019

JERRY OLEA: Sa Pebrero 5, 2019 pa po mag-uumpisa ang Year of the Earth PIG. Sakop pa rin po ng Year of the Earth DOG hanggang Pebrero 4, na petsa ng Lunar New Year’s Eve sa Chinese calendar.

Sa pagsisimula ng 2019, siyempre pa ay naglipana ang mga manghuhula. Tatahul-tahol, kakahul-kahol.

Continue reading below ↓

Makiki-oink-oink ang PEP Troika sa mga nababanaag ngayong 2019...

Carmageddon sa Pebrero 1, Biyernes, sa EDSA, lalo na sa bandang Cubao. Long weekend kasi kaugnay sa Chinese New Year.

Pila-pila ang Pinoy moviegoers sa Abril sa opening ng Hollywood film na Avengers: Endgame. (Eh di ba, PHP730.1M ang hinamig ng Avengers: Infinity War sa unang anim na araw nito sa lupang hinirang noong Abril 25-30, 2018?)

Siyempre, abang-abang din ang Pinoy televiewers sa huling season ng Game of Thrones ng HBO cable TV channel sa Abril. EPIC!!!

Samantala, ang isang young female starlet, kahit humalik sa putik, mabibigong abutin ang langit. Mananatiling starlet.

Ang isa pang young female starlet, patuloy na magtatago sa closet. Magpupumilit na iwaksi ang isinisigaw ng kanyang puso at daliri.

Ang isang young male celebrity, ganap na magtatagumpay ang laban sa depression. Hindi na magtatangkang mag-suicide.

NOEL FERRER: Dalawang kilalang na-involve sa droga ang ipinapanalangin na malampasan na nila ito nang lubusan.

Continue reading below ↓

Bagama't nagpa-rehab na, kinakikitaan pa rin sila ng slur at delay sa pagsasalita, at yung isa ay medyo alaskado sa set ng teleserye dahil laging may sariling mundo at inaantok.

Pinababayaan na lang nila ito na mag-set up ng tulugan kaysa kung ano pa ang gawin lalo pa’t may napupusuan siyang co-star sa set.

Hinuhulaan ding magkakadevelopan ang isang young actor at isang bagong hiwalay na batang actress. Dati na silang magkasama sa isang teleserye pero hindi sila ang magkapartner doon.

Ngayon, madalas na silang magkasama sa lakaran. Paano na kaya ang ex ng actress na katropa ng young actor?

2019 might also be a prosperous year for weddings. Pero wala pang A-listers sa listahan ng mga ikakasal. Panay mga starlet pa lang ang laman ng wedding registry.

And it seems like 2019 is fast becoming a year of collabs! May collab sina Regine at Vice on Valentines Day. May Mega at Songbird na magko-concert series.

Continue reading below ↓

Meron na ring inaasahang tambalan na ngayon pa lang ay pinaghahandaan nila!

Masayang Taon ng Baboy sa ating lahat!!!

GORGY RULA: Isa sa inaabangan kung magkatotoong hula ay ang paglipat ng isang batang Kapamilya actor sa Kapuso network.

Totoo bang nakikipag-usap na ang nanay nito sa ilang top executives ng GMA Network para ayusin ang paglipat ng anak?

Read Next
Read More Stories About
Avengers: Endgame
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results