JERRY OLEA: Nag-public apology na si Tony Labrusca sa mga taga-Bureau of Immigration.

Nagpaliwanag na rin ang spokesperson ng Bureau of Immigration kaugnay sa nangyari.
Pero ang mga mema, pinagpipiyestahan sa social media ang pasaring ng isang netizen sa Instagram na kesyo may BF si Tony.
Nagmamalasakit ang kaibigang talent manager na si Chris Cahilig kaya nakipag-chat ito kay Tony bandang 10:00 PM nitong nakaraang Biyernes, Enero 4.
Humingi ng permiso si Chris kay Tony para i-post sa Facebook ang bahagi ng kanilang pag-uusap. Biyernes nang 10:58 PM nang i-upload ni Chris sa FB ang screen shot, kung saan sinabi ni Tony na, “What’s wrong with Alex being with me on the immigration?
“Just because we’re in the same flight we’re together na? That’s so low.
“Why can’t people see the truth that we’re just friends and his tita even made sure we got the same flight para may kasama kami pauwi.”
Talking to Tony Labrusca about the rumors on him that are circulating on social media. Napafrustrating how malicious netizens are. Norm na ang paniniwala sa chismis. #nakakainis #TonyLabrusca pic.twitter.com/o1iNMzTQvE
— Chris Cahilig (@chris_cahilig) January 4, 2019
Ang Alex na tinutukoy ay isang Canadian model.
Sabi ng netizen na nagpasaring sa IG, wala siyang sinabi na si Alex ang BF ni Tony.
“That guy is trying to be the Tony Labrusca authority. He’s spreading rumors.
“Nasumplang kaya iba na ang story,” lahad ni Chris nang maka-chat ko sa Messenger nitong Sabado ng hapon.
Dagdag pa ni Chris, “And I personally know Tony, he’s straight. I understand the level of curiosity on his sexuality since he’s exceptionally hot.”
GORGY RULA: Nasabi ko na noon na mag-focus na lang sana tayo sa isyu ni Tony sa Bureau of Immigration.
Unfair na sa kanya na paratangan pa ng ganoong malisyosong isyu.
Tinapos na ng BI ang isyung iyun, kaya tapos na.
Kung sino man ang gustong isama ni Tony at kung ano mang namagitan sa kanilang dalawa, buhay na niya iyan.
Patahimikin na siguro iyan.
Baka mamaya, mag-expire na yung ibinigay na length of stay ng Immigration kay Tony, pinag-uusapan pa rin at pinapalaki pa ang isyung yan.
NOEL FERRER: Tony’s sexuality should not be the issue at all.
Kesehodang bading man siya o hindi, I’m sure, mature naman ang mga magulang niya at naituro sa kanyang walang masama sa pagiging bading o pumatol man sa bading, lalo na nang may pagmamahal.
The more important thing that he has to learn is to shake off the sense of entitlement and goodwill and propriety.
I don’t know him personally, but good that he said sorry.
I hope he really is and learn from it.