Kiko Matos, papatol sa indecent proposal na P8M, bahay, lupa, kotse

JERRY OLEA: Dahil sa kanyang nanay, open ang 28-anyos na si Kiko Matos sa posibilidad na pumatol sa bading.

“In-orient ako ng nanay ko dati pa, e,” napangiting sambit ni Kiko sa Level-up Saturdate radio program ni ka-Troikang Noel Ferrer nitong Enero 5, Sabado ng gabi, sa Radyo Inquirer, Mola St., Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kiko Matos
 IMAGE Jerry Olea

“'Pag may nag-offer sa ‘yo, P8M, tanggapin mo na,' sabi niyang ganun.

"So, parang ako, jokingly, growing up, I would always say, ‘Sige, P8M, bahay, lupa, kotse, game.’

“Wala, umaatras na. Umaatras na.”

Naku! Merong bading na higit pa sa P8M ang ibinigay sa dyowang aktor, huh?!

“Bring it on,” sabi ni Kiko. “Iyon nga ang sinasabi ko, bata pa lang ako, sinasabi ko—P8M, bahay, lupa, kotse.”

Para sa maghahatag sa kanya if ever ng P8M, WORTH IT ba?

Lalong tumamis ang ngiti ni Kiko, “Ah, talaga. Hindi niya makakalimutan yun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kikita naman tayo ng P8M, e. Di ba? Di ba?”

Tinanong ni Kiko ang katabing si Akihiro Blanco, “Ikaw, Aki... P8M?! P8M?!”

Tawang-tawa si Akihiro na bumulalas, “GO!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Akihiro Blanco
 IMAGE Jerry Olea

Sina Kiko at Akihiro ang leading men ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful, na idinirek ni Perci Intalan.

Ipalalabas ang uncensored version ng Born Beautiful sa Enero 18, Biyernes, 7 P.M., sa UP Cine Adarna, UP Diliman, QC.

NOEL FERRER: Ang maganda, kapag kausap mo sina Akihiro Blanco at Kiko Matos, totoong-totoo at simpatiko ang mga sagot nila.

Hindi nagpapabida at hindi press release ang mga sagot.

Nang tanungin kung merong kilalang tao sa showbiz na nag-indecent proposal sa kanila, heto ang clues nila...

Kay Kiko, isang broadcaster.

Kay Aki naman, isang lagi sa Greenhills na showbiz kibitzer. Pero hindi raw nagtagumpay ang mga ito.

Through all these (including the multiple kissing scenes that they had in the movie), naging mas malawak at progresibo ang pag-iisip at pananaw nina Aki at Kiko sa mga isyung gay relationship, marriage, at adoption.

Higit silang mamahalin ng mga makakapanood ng Born Beautiful at nagsisipag sila sa promo ng buena mano nilang pelikula ng taon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Walang arte kasi at hindi showbiz sumagot ang dalawa.

Kaya off the air, diretsahang tinanong ni Sir Noel si Kiko kung may karanasan ba siya sa bading, mukhang totoo ang sagot niya roon.

Nangako kasi kaming off the record, kaya hindi ko na isulat dito.

Pati si Aki ay naging totoo rin sa kanyang mga sagot. Ngayon ko lang siya nasipat nang husto, napakaguwapo pala niya sa malapitan.

Kaya pagkatapos ng Level Up guesting nila kagabi, at nagkahiwalay tayo, may nagtanong na sa akin kung committed ba si Aki sa isang network. Sinabi ko naman, hindi.

Hindi ko pa nasabi sa ‘yo, Sir Noel, dahil wala pa namang final. Pero ipi-pitch daw nila si Aki sa isang soap na maganda ang role.

Sana matuloy yun at ma-approve ng mga kataas-taasan ng network na ito.

Ang sabi nina Aki at Kiko, mas daring talaga itong Born Beautiful kesa sa Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nila mabilang kung nakailang kissing scenes sila kay Martin.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN