Boy Tokwa ni Jose Manalo, opening salvo ng Pinoy films ngayong 2019

JERRY OLEA: Batay sa tunay na buhay ni Rodrigo Morelos ang pelikulang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo na pinagbibidahan ni Jose Manalo.

“It’s a true story, kaya lang, ginawa naming ‘based on a true story’ lang.

"Kasi nga, medyo may konting... kumplikado yung istorya,” lahad ng direktor ng movie na si Tony Y. Reyes nang mainterbyu namin noong Enero 3, Huwebes ng hapon, sa Shabu-Shabu Ichiban, Fisher Parkway, Quezon Avenue, QC.

“Baka may masagasaan and everything. So, parang... ginawa naming based on a true story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Jose Manalo and Direk Tony Y. Reyes
 IMAGE Jerry Olea

Patuloy ng batikang direktor, “Nakakatuwa ang istorya ni Boy Tokwa. Con man siya, pero marami siyang gimik.

“Kamukha ng tuko. Gagawin niyang crocodile yun, e. Ibinebenta niya sa Amerikano as young crocodile. ‘You can find here only in Subic, Olongapo,’ sabi niyang ganun.

“Nakukuha niya yung tuko sa mga Aeta. Yung kinita niya sa tuko, may parte ang mga Aeta.

“'Tapos, minsan, magtitinda siya ng bikini ng showgirls. Sinasabi niya, bikini yun ng mga batang showgirls pero ang mga bikining yun, galing sa matatandang showgirls.

“At yung kinita niya sa mga panty, may parte ang mga old, retired showgirls, mga hostess. Ganun ang gimik ni Boy Tokwa.”

1960s nagsimula ang kuwento ni Boy Tokwa.

Disisais anyos siya nang dumating sa Olongapo. Isa siya sa youngest members ng Bahala Na Gang.

Ginamit niya noon sa panggagantso ang mga litrato nina Amalia Fuentes at Susan Roces.

Para walang isyu, litrato ni Paolo Ballesteros ang ginamit sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa pelikula rin si Wally Bayola, bilang kakuntsaba ni Boy Tokwa sa gimik nito sa serial numbers ng dolyares.

Kaya kumpleto ang JoWaPao sa pelikula, na initial presentation ng VST Productions Specialists, Inc., kung saan si Senador Tito Sotto ang pangunahing puwersa.

Ipalalabas na ito sa Enero 8, Martes, at nasa cast din nito sina Joey Marquez, Buboy Villar, Karel Marquez, Mino Sotto, Gian Sotto, Allan Paule, Sophie Rankin, Marija Debelic, Mark Savino, Zara Tolentino, at Xander Pineda.

NOEL FERRER: Medyo nakakatakot ang maging opening salvo ng Filipino films after the Metro Manila Film Festival.

Pero good luck pa rin kay Jose Manalo para sa Boy Tokwa produced by Tito Sen.

Kapit lang, dobleng pagsisikap lang sa promo para malaman ng mga tao na may bago nang palabas na Boy Tokwa simula Tuesday.

Hindi ba’t ganito rin ang playdate dati ng successful na Starzan movies ni Joey de Leon, at ibang mga pelikula nina Tito Dolphy at Bossing Vic Sotto?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapit lang!

GORGY RULA: Itong Boy Tokwa ni Jose Manalo ay first venture ng film company ni Senator Tito Sotto.

Sabi ni Tito Sen, malabo na siyang magpaka-active sa showbiz dahil sa bigat ng responsibilidad niya sa Senado, kaya pinasok niya ang movie production para kahit paano, may maiambag siya sa movie industry.

“Tutal, ako naman ang nag-create ng Film Development Council of the Philippines.

“Tingin ko, marami pang kakulangan, at saka para mabigyan pa natin ng tunay na tulong at subsidy ang film industry, at mas marami pang mabigyan ng trabaho ang mga tao, ang mga crew kapag marami pa tayong mga pelikulang gagawin,” pahayag ni Sen. Tito Sotto.

Nape-pressure sa pelikulang ito ay ang bida mismo na si Jose Manalo na hindi naghahangad na magbida.

“Sobrang na-pressure ako,” pakli ni Jose.

“Eto nga yung sinasabi nila na ang sumablay, patay. Parang isahan ‘tong laban na ‘to, e.

“Parang do or die ‘tong laban na to. Pag kumita, pag napanood, pag nagustuhan, maganda. Pero pag hindi, uwi tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag maganda, at masundan… kasi si Tito Sen ang daming pinaplano, e,” dagdag na pahayag ni Jose.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN