Manay Lolit, ayaw makisawsaw sa Kris-Gretchen issue

IMAGE @krisaquino / @juansarte on Instagram


JERRY OLEA: Love, love, love pareho ni Manay Lolit Solis sina Kris Aquino at Gretchen Barretto.

 IMAGE @krisaquino /@juansarte on Instagram

Ano ang New Year message niya para sa dalawa?

“Oh, my God! Oh, my God! Sasawsaw na naman ako?!” natatawang sambit ni Manay Lolit nang makatsika namin Linggo ng hapon, Enero 6, sa Concha’s, Sct. Madriñan St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiting dagdag ni Manay Lolit, “Pareho silang Cojuangco, di ba?

“Sa case ni Kris... Ako Legal Wife. Kasi, legit Cojuangco siya, di ba?

“Si Gretchen, hindi pa siya legal, ‘no?! Kaya wala pa siyang karapatan.”

Sino kina Kris at Gretchen ang mas love niya?

Mabilis na tugon ni Manay Lolit, “Kung sino ang magbibigay ng mas maraming gift certificate! ‘Yon ang ila-love ko.

“E, si Kris, nabigyan na ako ng S&R. Si Gretchen, hindi pa ako binibigyan. Kailangang bigyan na niya ako, care of...”

E, kung bigyan siya ni Gretchen ng abogado for life?

Napakunot-noo si Manay Lolit sabay sabing, “Abogado for life? Hindi na, ‘no?! Ayoko na ng kaso, ‘no?!”

NOEL FERRER: This issue is not about Gretchen nor about Gretchen & Kris.

Ito ay isyu ng dating mag-business partners na Nicko Falcis at Kris Aquino na sana ay maayos na sa lalong madaling panahon.

Dahil celebrity, may posibilidad na mag-shift ang usapin sa “anti-bullying” at “power tripping” na in-articulate na issues ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ninyo, sasagot pa si Kris?

JERRY OLEA: Hindi. Hindi “patola” si Kris sa pagkampi ni Gretchen kay Nicko Falcis.

Isinaalang-alang na lang ni Kris na noong 1986 snap elections, nangampanya si Gretchen para sa kanyang ina laban kay dating Presidente Ferdinand E. Marcos.

Chill-chill lang si Kris kahit insultuhin siya, basta nirerespeto ang kanyang ina, at hindi nasasaktan ang kanyang mga anak.

Mananatili si Kris nang dalawang linggo sa Singapore kaugnay sa kanyang health concerns.

Gretchen is certainly not one of her priorities.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN