Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Akihiro Blanco, inilahad ang karanasan sa isang bading

by PEP Troika
Jan 7, 2019

JERRY OLEA: Malala ang naranasan ni Akihiro Blanco sa palad ng isang bading na pinagkatiwalaan niya.

“Fifteenth birthday ko, 'tapos kasama ko yung mga barkada ko, yung family ko,” pasakalye ng 23-year-old actor sa Level-Up Saturdate radio program noong Enero 5, Sabado, sa Radyo Inquirer, Makati City.

 IMAGE Akihiro Blanco Instagram
Continue reading below ↓

“Meron kaming naging group... may barkada kami na gay siya, pero naging close namin.

“Six months, comfortable na. Nakakainuman namin. Pero nang dumating iyong birthday ko, parang...

“Inantay niya kaming malasing. Inantay niya kaming malasing... hindi siya suma-shot masyado. Feel ko, may mga daya siya.

“So, nalasing kami. Kasama yung family ko, yung relatives ko, yung mom ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, barkada ko, kuya ko, and pinsan ko, natutulog kami sa kuwarto. Siya rin.

“Okay lang! Komportable! Tulog din siya run!

"So, habang tulog kami... siyempre, merong... may mga pinsan akong gising pa, kahit yung parang patulog pa, ganun.

“Nagte-take advantage na siyang hipuan kami, lalo na ako! Yung parang... ako talaga ang pinakaano niya!

“Birthday ko pa. 'Tapos, ako yung pinakalasing!

“Hindi ko nararamdaman dahil sobrang ano na ako. Pero yung pinsan ko, nakita ko, biglang sumigaw, ‘Ba’t mo hinihipuan ‘yang pinsan ko?!’

“Kinuha niya ‘yung... 'tapos, ginanun na niya, sinuntok niya. Tumakbo!”

Continue reading below ↓

Si Akihiro ay isa sa leading men ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful, na ang uncensored version ay ipalalabas sa Enero 18, Biyernes, 7 P.M. sa UP Cine Adarna, UP Diliman, QC.

NOEL FERRER: In fairness sa alaga naming si Aki, hindi siya magpapaka-violent sa isang bading, lalo pa’t nag-pass out talaga siya.

Siguro, nakapagpaubaya na lang yun! Hahaha!

Isang aabangan kay Aki ay ang kanyang transition bilang isang mukhang teenager sa pagpapaka-young man na siya, and he is bulking up para sa isang coming-of-age pictorial.

Meron pa siyang daring na pelikulang hindi naipapalabas, ang Immaculada, at isang challenging film na gagawin niya sa Marawi.

This is really shaping up to be Aki’s year, ha?!

GORGY RULA: Malamang na lalong pagnasaan si Aki pagkatapos nilang mapanood itong Born Beautiful.

Dapat ay isa lang ang kissing scene dito ni Aki with Martin, pero nadagdagan nang nadagdagan.

Abangan na rin ang sexy pictorial ni Aki na malapit na niyang gawin, di po ba, Sir Noel?

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Born Beautiful
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results