JERRY OLEA: Best actor in a drama si Rami Malek (Bohemian Rhapsody) sa 76th Golden Globe Awards.
Ang galing-galing kasi ni Rami bilang Freddie Mercury, ang frontman ng Queen.
Kabog si Bradley Cooper (A Star Is Born)!
Best actress in a drama ang sakdal husay na si Glenn Close (The Wife). Taob ang bet ng marami na si Lady Gaga (A Star Is Born)!

Isang award lang ang nakuha ng A Star Is Born—best original song (Shallow).
Best drama ang Bohemian Rhapsody. Tinalo nito ang Black Panther, BlacKkKlansman, If Beale Street Could Talk, at A Star Is Born.
Best musical or comedy ang Green Book. Tinalo nito ang Crazy Rich Asians, The Favourite, Mary Poppins Returns, at Vice.
Best actor in a musical or drama si Christian Bale (Vice).
Best actress in a musical or drama si Olivia Colman (The Favourite).
Best foreign-language film ang Roma ng Mexico. Ang direktor nito na si Alfonso Cuaron ang itinanghal na best director.
Ini-stream sa Netflix ang Roma.
Best supporting actor si Mahershala Ali (Green Book), at best supporting actress si Regina King (If Beale Street Could Talk).
Best animated movie ang Spider-Man: Into The Spider-Verse.
NOEL FERRER: Mali ang hula nila, Mamay Tunying, na hahakot ng awards ang A Star Is Born sa Golden Globes.
Tama ba na umasa na lang sila sa Oscars?

Special mention at proud ako sa Best Actor in a TV series na si Darren Criss (gumanap na Andrew Cunanan sa The Assassination of Gianni Versace), lalo na nang pasalamatan at ihandog niya ang award niya sa nanay niyang taga-Cebu!
Nakaka-touch kapag pinapahalagahan ng mga anak ang kanilang mga magulang!
Bravo!!!
JERRY OLEA: Pagkatapos ng pagpaparangal ng 76th Golden Globes, abangan natin sa Enero 22 ang announcement ng nominees sa 91st Academy Awards o Oscars.
Ang gabi ng Oscars ay mapapanood sa Pebrero 25, Lunes, 9 A.M. (Manila time).
Itong Oscars ang culmination ng awards season sa Hollywood.
Sa local showbiz, delayed ang pamamahagi ng mga parangal.
“Filipino time” ba iyon?!