Alden Richards, Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun ang susunod na teleserye?

IMAGE Alden Richards Instagram


GORGY RULA: Mukhang hindi sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magbibida sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun.

 IMAGE Alden Richards Instagram

Iyon ang tono ng sagot sa amin ng mga taga-GMA Artist Center nang tinanong namin tungkol dito sa thanksgiving party ni Alden para sa entertainment press, na ginanap sa kanyang Concha’s Restaurant nitong Sunday afternoon, January 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Descendants of the Sun ay pinagbidahan ng Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, na nagkainlaban habang ginagawa ang drama series at nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Nang tinanong namin si Alden, excited daw siya sa proyektong ito. Pero hindi niya alam kung ano ang plano ng GMA-7.

“Hindi ko pa rin po alam. Sana po, kami,” pakli ni Alden.

Dagdag niya, “Pero sa ngayon po, wala pa pong final word sa soap opera.”

Sabi ng head ng GMAAC na si Ms. Gigi Lara, mas gusto sana nilang bumalik sa drama si Alden.

May pagka-action kasi ang Descendants of the Sun na nagawa na ng Pambansang Bae sa Victor Magtanggol.

Kahit si Alden ay gustong mag-drama muna, pero tingin niya ay may pagka-drama rin ang Descendants of the Sun.

Pero nasa GMA-7 na ang desisyon kung kanino nila ibibigay ang naturang proyekto.

Ang latest na narinig naming magbibida sa Descendants of the Sun ay si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw itong kumpirmahin sa amin ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. dahil ongoing pa ang Cain at Abel.

NOEL FERRER: Kung sinabi na ni Gigi Lara na may pagka-action ang Descendants of the Sun at iiwas muna sa maaksyong gaya ng Victor Magtanggol si Alden, paniwalaan natin yun.

More than another TV show, pelikula ang kailangan ni Alden para patunayang may steady na paying audience siya.

Kaya niya ‘yan, he has the whole network and the press rallying behind him.

Good luck, Alden!

JERRY OLEA: Sa mga nagtatanong “what went wrong” kina Alden at Maine, maayos ang tugon ng binata.

Aniya, “I guess nothing went wrong po. It’s just a matter of choices. I’ll just leave it there na lang po.”

Masayang-masaya ngayon sa buhay sina Alden at Maine, kahit wala silang romantic relationship.

“Ang kaligayahan po kasi, para sa akin, hindi ginagamitan ng isip, eh. It’s a feeling,” sambit ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, minsan po, ‘yang pakiramdam na iyan, hindi mo alam kung saan galing.

“Talagang masaya ka lang. At gusto mong malaman ng lahat na masaya ka.”

Wala ngayong pressure sa tandem nila ni Maine.

“Sa ngayon po, mas relaxed po at mas masaya kaming dalawa. Sobra po!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN