JERRY OLEA: Nagbabalik ang Singkuwento International Film Festival Manila Philippines (SIFFMP) kaugnay sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.
Gaganapin ang 4th edition ng SIFFMP sa Pebrero 15-22 sa NCCA Theater ng National Commission for Culture and the Arts, Intramuros, Manila.
Inihayag nitong Enero 8, Martes ng hapon, sa The Legend Villas, Mandaluyong City, ang finalists sa tatlong kategorya.

Lima ang contenders na socially relevant full-length films:
#1 KAPAYAPAAN SA GITNA NG DIGMAAN (historical drama) na idinirek ni Nestor Malgapo, Jr.
True-to-life story ito ng pagmamahalan at pananampalataya sa Diyos ng isang Hapon na si Yoshiaki Moto (Richard Quan) na nakapag-asawa ng Pilipinang si Felicidad (Celina Talavera).
Before, during, and after World War II (1930s-1950s) ang timeline ng istorya.
Hindi nagpabayad si Richard sa proyektong ito, na kapwa taga-Iglesia ni Cristo ang co-workers niya.
#2 PROMDI (drama) ni Charlotte Dianco.
Simpleng kuwento ng probinsyanong si Fernie (Kiko Estrada) na nag-aral sa Maynila upang mapabuti ang buhay ng pamilya. Tinalakay rito ang bullying.
#3 RENDEZVOUS (fantasy drama-romance) ni Marvin Gabas.
Love story ng syokoy na si Balud (Tonz Are) at isang dalagang tao. Iba po ito sa The Shape of Water.
#4 PLAYGROUND ni Dave Cecilio.
Pang-millennial na istorya ng OSY sa probinsiya, na mahilig mag-DOTA. Maaaliw ang mga marupokpok sa pagganap dito ni Rosanna Roces.
Nasa cast sina Buboy Villar, Lance Raymundo, at mga kasama noon sa Walang Tulugan ni Kuya Germs (R.I.P.).
#5 PUR LAINE (comedy-drama) ng Fil-Canadian director na si Alexander Cruz, na naka-base sa Quebec.
Nasa cast nito sina Christian Paolo Lat, Celestine Caravaggio, at Issabelle Lafond.
Magtatagisan din dito ang limang documentary films (shorts), at 25 short films.
Ima-market ang Singkuwento films sa mga paaralan.
Pagkakalooban si Eddie Garcia ng SIFFMP Lifetime Achievement Award sa gabi ng parangal sa Pebrero 23 sa Resorts World Manila.
Ite-telecast ito sa IBC 13 (kaugnay sa relaunch nito).
Ang festival director ay si Perry Escaño.
GORGY RULA: Sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño, marami talagang nakalatag na mga gagawin para sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.
Magiging bahagi na siguro itong Singkuwento International Film Festival.
Pero sa September 19 pa raw ang launching ng 100 Years of Philippine Cinema, na hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang hanggang sa September 20, 2020.
May mga showbiz personalities pa raw na paparangalan dahil sa malaking naiambag sa Philippine Cinema.
Inaasahang mabubuo na rin ang binabalak ni Senator Tito Sotto na National Film Commission na mas malaki raw ang maitutulong sa movie industry.
Abangan natin ‘yan!
NOEL FERRER: Nagsabi sa akin ang ToFarm Best Supporting Actor na si Richard Quan na dadalo siya sa presscon na iyan at proud siya sa output nilang ‘yan.

I’m sure, maninimbang ang festival director niyan na si Perry Escaño dahil abala rin ‘yan sa promo ng idinirek niyang pelikulang Sikreto Ng Piso with Gelli de Belen and Ariel Rivera—showing on January 30, at kasabay ng ‘TOL.
Good luck sa Singkuwento 2019! Kailangan lang linawin ang pagkakaiba nito sa iba pang indie festival.