Richard Yap, magiging Kapuso na pagkatapos ng eleksyon?

IMAGE Mark Atienza


NOEL FERRER: Blind item sa radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto nitong Enero 8, Martes, pero tukoy na tukoy ng netizens ang tungkol sa paglipat ng isang Kapamilya actor sa Kapuso network pero by June pa raw after elections.

After Derek Ramsay, si Richard Yap na ang pinag-uusapang lilipat at magiging Kapuso na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Mark Atienza

Na-exhaust na ba ang potential ni Richard sa Kapamilya network, at marami pang ABS-CBN talents na walang work?

Mukhang like Rayver Cruz and Kiray Celis, Richard is the newest one who will try his luck in the Kapuso station.

Will he go the way of Tom Rodriguez, Rafael Rosell, Matt Evans, and Jason Abalos?

Abangan.

JERRY OLEA: So, goodbye na ito sa tandem nila ni Jodi Sta. Maria?

If ever leading man si Richard Yap sa Kapuso Network, puwedeng maging magkaribal sila ni Gabby Concepcion.

At sino kaya ang magiging ka-partner ni Richard?

GORGY RULA: Matagal nang pinag-uusapan ang paglipat ni Richard Yap.

Pero hindi pa natin masasabi kung matutuloy iyan dahil maaring mabago ang mga desisyon pagkatapos ng eleksyon.

Bukod kay Richard Yap, isang young actor daw ang inaayos ang paglipat din sa GMA-7.

Ang sabi sa clue na ibinigay sa amin, may Y sa pangalan.

May Y kay Richard Yap, pero hindi siya young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya si Diego Loyzaga ang tinutukoy, bilang nasa GMA-7 ang nanay niyang si Teresa Loyzaga?

Kung totoo ito, hindi kaya mahihirapan siya kagaya ng kaso ni Kiko Estrada na alanganin pa ang paglipat ng ABS-CBN?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN