Ang Probinsyano at Kapuso Mo Jessica Soho, most watched TV programs noong 2018

Ang Probinsyano at Kapuso Mo Jessica Soho, most watched TV programs noong 2018
by PEP Troika
Jan 9, 2019

JERRY OLEA: Patuloy ang Network War kaugnay sa national TV ratings para sa nagdaang taon.

Ayon sa Kantar Media, nitong 2018 ay 45% ang average audience share ng ABS-CBN, kumpara sa 32% ng GMA-7.

Sa Mega Manila, 36% ang ABS-CBN, kontra sa 34% ng GMA.

Sa Metro Manila, 42% ang ABS-CBN, laban sa 26% ng GMA.

Sa Total Luzon, 40% ang ABS-CBN, kumpara sa 35% ng GMA.

Sa Total Visayas, 53% ang ABS-CBN, kontra sa 26% ng GMA.

At sa Total Mindanao, 52% ang ABS-CBN, laban sa 28% ng GMA.

Sa listahan ng pinakapinanood na programa noong 2018, labing-anim (16) na palabas ng ABS-CBN ang nakapasok sa top 20, na pinangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano (41.2%) ni Coco Martin.

 IMAGE FPJ's Ang Probinsyano
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa Top 20 ang Pilipinas Got Talent (38.1%), Your Face Sounds Familiar Kids (33.3%), Bagani (31.8%), La Luna Sangre (31.4%), TV Patrol (30.5%), Ngayon at Kailanman (28.8%), MMK 25 (27.2%), The Kids’ Choice (26.2%), Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home Walang Kapares (23.4%), Wildflower (23.3%), Home Sweetie Home (23.2%), Halik (22%), Meteor Garden (21.6%), at Rated K (19.8%).

Ayon naman sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng Nielsen TV Audience Measurement, 40.8% ang total day people audience share ng GMA, kumpara sa 37.5% ng ABS-CBN.

Sa Urban Luzon, naka-45.9% ang GMA, kumpara sa 31.5% ng ABS-CBN.

Sa Mega Manila, 47.7% ang GMA, kumpara sa 28.7% ng ABS-CBN.

Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang most watched GMA program nitong 2018.

 IMAGE Photo courtesy of University of the Philippines
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang din sa malalakas na palabas ng GMA-7 last year ang Daddy’s Gurl, The Clash, Kambal Karibal, Pepito Manaloto, Onanay, 24 Oras, Victor Magtanggol, Magpakailanman, Studio 7, Super Ma’am, The Cure, Cain at Abel, Sherlock Jr., Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, Inday Will Always Love You, at Lip Sync Battle Philippines.

NOEL FERRER: To each network ang bisa ng ratings—Kantar Media sa ABS-CBN, Nielsen/NUTAM sa GMA.

Pati sa mga existing TV awards, may ganito ring divide.

There is really a need to standardize merit recognition for television dahil ultimo KBP Golden Dove, hindi kasali ang GMA-7.

In all these, you know kung ano ang consistent? Ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nagbubunyi sila for getting their highest rating ever last Sunday, which they rightfully deserve!

Grabe kasi ang research at pagiging thorough ng kanilang coverage at insights sa bawat feature.

Ibang klase sila! Congrats!

GORGY RULA: Iba ang report ng GMA-7 base sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) sa report ng ABS-CBN base sa Kantar Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa buong taon ng 2018, consistent daw na mataas ang mga programa ng GMA-7, at mas malaki raw ang lamang sa mga programa ng ABS-CBN.

Ngayong 2019, mas marami pang mga bagong programang aabangan sa Kapuso network.

Magbabalik ang StarStruck. May mga bagong drama series gaya ng Sahaya na magbabalik ng love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Andiyan ang TODA One I Love ng GMA News and Public Affairs kung saan bida sina Kylie Padlla & Ruru Madrid, at ang Kara Mia nina Barbie Forteza & Mika dela Cruz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results