Elsa Droga, nag-ala Catriona Gray sa Miss Gay Quiapo 2019


JERRY OLEA: Binuhay ni Elsa Droga aka Catriona Nget ang crowd sa Miss Gay Quiapo 2019 nitong Enero 7, Lunes ng gabi, sa Quiapo, Manila (malapit sa tindahan ng Excelente ham).

Elsa Droga
 IMAGE Courtesy of Shobi Dionela

Sa NatCos, Catrionaesque ang pasiklab ni Elsa na may malaking payong na pinaiikot sa likod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Swimwear, pang-Miss Universe ang kanyang pink bikini pero mala-Mader Sitang ang kanyang dating.

At sa Evening Gown, siyempre, Mayon-inspired ang kanyang paandar at may version siya ng Lava Walk.

Naka-post sa YouTube at Facebook ang mga payanig ni Elsa, na pasok noon sa Top 6 ng Miss Q & A 2018 sa It’s Showtime. (Winner doon si Juliana Parizcova Segovia. First runner-up si Mat-mat Centino, at second runner-up si Lars Pacheco.)

Itinanghal si Elsa Droga na Darling of the Crowd sa Miss Gay Quiapo 2019. Ligwak ganern siya sa Magic 5.

“Beauty contest po kasi iyon, hindi Miss Gay Pangkalawakan!” bulalas ni Shobi Dionela, manager/agent/handler ng bikini hunks & babes.

7-5-3 ang laban. Ang winner ay nagkamit ng P7,000. Ang first runner-up, naka-P5,000. Ang second runner-up, naka-P3,000.

Walang consolation prize.

Just the same, 32 gays ang lumahok sa timpalak.

“Panata nila iyon,” sambit ni Shobi.

Kung matagalan ang Traslacion ng Itim na Nazareno, ganoon din itong Miss Gay Quiapo 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Shobi, “Monday 10:00 PM nag-start ang paligsahan. Nagkamali ng announcement sa Top 10, kaya pinabalik lahat sa stage... Inulit ang Top 10. Inabot ng 6:00 AM ang contest.”

GORGY RULA: Hindi lang sa mga Miss Gay contestants bentang-benta ang rampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, kundi maging sa mga kandidata ng Miss Intercontinental 2018 na nagsimula nang nagdatingan sa bansa.

Kahapon, January 8, dumating na ang kinatawan ng bansang USA, Cuba, Costa Rica, Australia, Netherlands, Mexico, Antigua, at magdadatingan na rin ngayong araw ang iba pang kandidata.

Sabi ng ilang kandidata gaya ni Miss USA, mahirap gayahin ang lava walk na pinasikat ni Catriona, kaya gagawa na lang sila ng sarili nilang walk.

Pero humahanga sila kay Catriona na aligaga na rin sa guestings niya sa Amerika.

Sa January 26 na ang Miss Intercontinental 2018 na gaganapin sa SM MOA Arena, kung saan 86 bansa ang maglalaban sa korona.

Ang kandidata ng Pilipinas na si Karen Gallman isa na rin sa sumasalubong sa mga kandidatang nagdatingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Napanood ko ang ilang TV guestings ni Catriona sa New York. Totoong napakaganda at articulate niya.

Dapat talaga, ang mga ipapadala natin sa pageants ay ganoon ang hulma—yung bukod sa maganda ay may charm at may laman ang utak. Para kasi silang ambassador talaga ng bansa.

Good luck sa Miss Intercontinental!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At good luck din sa mga gay at iba pang local pageants na I’m sure, marami will take inspiration sa Miss U stint ni Catriona.

A beautiful and blessed feast of the Black Nazarene to all of us!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN