JERRY OLEA: Tanggap ko na hindi inilabas ng MMFF 2018 Execomm kung magkano ang kinita ng bawat official entry.
Pero wish ko lang na ihayag ng pamunuan ang official ranking para sa 14-day festival.
Unofficial ang naiulat ko ritong ranking mula sa ilang sources.
May nagparating sa akin na No. 6 ang pelikula nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress.
Sana’y hindi suntok sa buwan ang inaasam kong paglilinaw ng kinauukulan sa usaping ito.

GORGY RULA: Masaya naman si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films na nakausap namin kanina dahil maganda raw ang kinalabasan ng pelikula niyang The Girl in the Orange Dress kahit pumang-anim ito sa box-office.
“Hindi naman ako yung talung-talo talaga. Ang maganda, may international screening pa siya, at ang rights sa TV.
“Ang importante, nakatawid si Direk Jay [Abello] sa mainstream at nakabalik si Jessy [Mendiola],” pakli ni Atty. Joji.
Puring-puri ni Atty. Joji si Jessy dahil hindi ito nagbigay ng sakit sa ulo sa production at nakipag-cooperate sa promo ng pelikula.
Naitawid ng Quantum ang isang proyekto kung saan nabigyan niya ng magandang break ang baguhang direktor at nakabalik pa si Jessy.
NOEL FERRER: This is precisely the point kaya siguro hindi naglabas ng official numbers ang MMFF Execom dahil hanggang ngayon ay palabas pa rin ang mga pelikula at tumataas pa rin ang grosses ng MMFF films, lalo pa’t needs improvement din ang kita ng kabubukas lang na Boy Tokwa.
It’ll be toss up between The Girl In The Orange Dress and One Great Love in the 6th slot then?
May history pa ang films na ito dahil Kim Chiu was originally considered to be the lead star of Orange Dress.
Pero buti na rin lang at naging big break ito ni Jessy, na hindi binigyan ng problema ang mabait nilang producer na si Atty Joji.
Ang tanong ko lang, co-producer ang ABS-CBN film arm na Star Cinema ng Orange Dress, pero bakit parang hindi natin masyadong naramdaman ito like their other blockbuster films?
They certainly needed more push.