Valentine movie ng LizQuen, malampasan kaya ang kinita ng THOU ng KathNiel?

NOEL FERRER: Nabisita ko ang set ng pelikulang Alone/Together tampok ang LizQuen tandem nina Liza Soberano at Enrique Gil, kasama ang talent naming si Adrian (Luis) Alandy with special participation ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz.

 IMAGE Noel Orsal

Yes, Haidie has ventured into films, pero in a cameo role as herself, sa isang sitwasyon sa tunay na buhay ni Hidilyn na kasama si Adrian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ang naging shoot sa set ni Direk Antoinette Jadaone, na naging paborito na si Adrian sa huli niyang pelikulang Never Not Love You ng JaDine naman.

Parehong nominated sina Tonette at Adrian sa GEMS Awards (Guild of Educators, Mentors and Students) para sa pelikulang yun.

Mayroon pang 10 days na shoot para sa Alone/Together kasama na rito ang mga eksenang kukunan sa New York.

Heto ang catch: kailangan talagang matapos ang pelikula by early February dahil ito na bale ang Valentine movie ng ABS-CBN film arm  under Black Sheep Productions.

Exciting itong LizQuen film na ito na ipinapakita ang mature nang love team.

Sana suportahan ito ng fans ng dalawa bago mag-Darna si Liza!

JERRY OLEA: Gusto ni Enrique ang story ng Valentine movie nila ni Liza dahil ibang-iba ang dynamics nito sa mga nagawa nila before.

Hindi ito mala-fairy tale.

Nakausap natin si Enrique last November sa Naga City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, iyong “imperfect relationship” ng mga karakter nila ni Liza sa movie ang nagpaganda nang husto sa istorya.

Kung may Darna movie si Liza, may sariling project na inilaan kay Enrique na kung ilarawan niya ay “sobrang maangas.”

GORGY RULA: Maganda ang resulta sa box office ng My Ex and Whys, na nagkorona kina Enrique at Liza bilang Box Office King and Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation noong 2018.

Malamang, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang susunod na kokoronahang Box Office King and Queen dahil sa The Hows of Us.

Malaking challenge sa LizQuen kung kaya ba nilang lagpasan o pantayan man lang ang kinita ng THOU.

Matagal ding nanahimik ang fans nina Liza at Quen kaya dapat magpakitang-gilas sila ngayon.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN