Julie Anne San Jose at Alden Richards, posible kayang magtambal sa isang proyekto?

GORGY RULA: Iniiwasan ni Julie Anne San Jose na pag-usapan ang breakup nila ni Benjamin Alves.

Pero sa presscon nitong Enero 10, Huwebes, sa GMA 7, naisingit pa ring itanong kay Julie Anne kung nakahanda na ba siyang mag-entertain ng mga bagong manliligaw at muling sumugal sa pag-ibig. 

 IMAGE Noel Orsal

"Wala muna. Darating tayo diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think I’m ready for that. I just wanna focus on myself and sa work ko. Iyon ang important for me this year,” diretsong sagot ni Julie Anne.

Mas naka-focus daw siya ngayon sa trabaho, dahil magkakasunod ang mga concert na gagawin niya.

Una na rito ang Kapuso concert series na pagtatambalan nila ni Christian Bautista, ang The Sweetheart and the Balladeer Fun Night

Ilan sa kanilang celebrity guests ay ang comedians na sina Donita Nose at Super Tekla. Naroon din ang The Clash grand champion na si Golden Cañedo at finalist na si Josh Adornado.

Gaganapin ang first leg ng concert sa Iloilo Convention Center sa Iloilo City, sa January 27, at ang second leg ng concert ay sa The Atrium Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa February 10.

NOEL FERRER: Ito bale yung provincial legs ng bagong bersiyon ng dating 3 Stars, 1 Heart concert series nina Julie Anne, Christian, at Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang concert series na 3 Stars, 1 Heart at reality singing competition na The Clash ang huling mga proyekto ni Regine sa GMA-7 bago ito lumipat sa ABS-CBN noong 2018. 

Sa nakatakdang second edition ng The Clash ngayong 2019, bali-balitang ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ang ipapalit sa Asia's Songbird bilang host ng show.  

As for Julie Anne, here’s to wishing her the best!

Puwede kayang buhayin ang "something" nila ni Alden Richards since pareho naman silang single?

Just asking.

JERRY OLEA: Hopefully, magningning nang husto ang bituin ni Julie Anne ngayong hiwalay na sila ni Benjamin.

Sana rin ay magtambal na sila ni Alden Richards.

Kung may ArDub sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, magkaroon din kaya ng JulDen sina Julie Anne at Alden?!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN