Karen Gallman, dalawang special awards ang nakuha sa Miss Intercontinental press presentation

by PEP Troika
Jan 10, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Nakamit ni Miss Philippines Karen Gallman ang dalawang special awards sa media presentation ng 47th Miss Intercontinental nitong Enero 10, Huwebes, sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

 IMAGE Jerry Olea

Ibinoto siya ng mga taga-media bilang Media Favorite, at siya rin ang H&H Stand Out Beauty (Havey na Havey sa Ganda).

Continue reading below ↓

Sabi ni Mr. Gay World-Philippines 2009 Wilbert Tolentino (may-ari ng H&H Salon), “Siya po yung lumulutang sa hair, at nadala po niya yung typical Filipina beauty.”

 IMAGE Jerry Olea

Sa Okada Manila gaganapin ang tatlong pre-pageant shows.

Ang Swimsuit Competition at Philippine Designers’ Evening Gown Fashion Show ay nakatakda sa Enero 16, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Ang Evening Gown Competition at Philippine Designers’ Filipiniana Fashion Show ay gaganapin sa Enero 17, Huwebes.

At ang National Costume Competition ay sa Enero 19, Sabado.

Ang koronasyon ay sa Enero 26, Sabado ng gabi, sa Mall of Asia Arena.

Ang telecast ay sa Enero 27, Linggo, bago mag-ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN.

NOEL FERRER: Congratulations kay Karen! Ang burden lang niya ay dapat stand out talaga siya—really a cut above the rest.

Para manalo man siya ng title na Miss Intercontinental (na Japan ang host country ng 47th edition) ay hindi masabi na hometown decision ang naganap.

Good luck!

GORGY RULA: Mukhang may laban si Karen kumpara sa mga kandidatang rumampa sa Media Presentation.

Pero ilan sa mga paborito roon ay ang mga kandidata mula sa Paraguay, Colombia, Australia, at Russia (na model pala ng Mattel kaya mukha siyang Barbie doll).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results