Dingdong Dantes, may kasunod nang pelikula sa Star Cinema

IMAGE Noel Orsal


GORGY RULA: Pagkatapos ng Fantastica, may gagawin pang pelikula si Dingdong Dantes sa Star Cinema pero hindi pa nila alam kung sino ang makakasama.

Ang narinig lang namin, marami pa rin ang may gustong si Angelica Panganiban ang makasama niya.

Totoo bang may nagpa-survey kung sino ang gusto nilang maka-partner ni Dingdong sa isang Star Cinema movie, at si Angelica pa rin ang lumabas?

Tinanong ko si Perry Lansigan ng PPL Entertainment kung sino ang susunod na makasama ni Dingdong, wala pa raw silang alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Okay raw kung si Angelica uli ang ipa-partner kay Dingdong, kahit nakatatlong pelikula na silang dalawa: Segunda Mano (2011), One More Try (2012), at The Unmarried Wife (2016).

Pero nasa Star Cinema ang desisyon, dahil alam daw nila kung ano ang mas nababagay kay Dingdong.

Sa ngayon ay focused muna si Dingdong sa Cain at Abel at sa nalalapit na panganganak ni Marian Rivera.

Siyanga pala, winelcome si Dingdong January 10 bilang bagong endorser ng Dunkin' Donuts nitong Enero 10, Huwebes, sa Fairmont Hotel.

Siya ang idinagdag sa matagal nang brand ambassadors na sina Derek Ramsay at Piolo Pascual.

Last year pa nila na-shoot ang TVC at masaya si Dingdong sa pagtanggap sa kanya nina Derek at Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Derek Ramsay, Dingdong Dantes, and Piolo Pascual
 IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: Kapuso Primetime King si Dingdong sa GMA.

Kung lilipat siya sa Kapamilya Network, kung saan si Coco Martin ang hari ng primetime, ano kaya ang kalulugaran niya?

Hinahayaan ng GMA Network na magpelikula si Dingdong sa Star Cinema.

Hindi pa ba sapat iyon para maging masaya siya at kuntento?

NOEL FERRER: Dingdong has the best of both worlds—good TV exposure and good pay in GMA-7, and good movie exposure in Star Cinema.

He can also produce his own shows and movies. OK, di ba?

Remember last year, nagkaroon ng issue ang Dunkin' Donuts about taxes at kapag ganito, kahit hindi nila gusto ay nadadamay ang endorsers.

Siguro, tapos at wala na ito, kaya nakuha pa nilang magdagdag ng endorsers.

Notice, aside from being top actors, lahat sila ay may anak na.

Si Dong lang ang kasal. Sino kaya kina Derek at Piolo ang susunod?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN